Mga moralistanga, umaapila sa cover photo ni "The Super Star" Nora Aunor sa YES! Magazine.
By mgaepals on 09:38
Filed Under:
image hugot dito
Kahit nagyoyosi kami, ok lang kami sa "Smoke Free Philippines" advocacy. Tama naman kasi na hindi madamay yung mga non-smokers sa pa-usok ng mga naninigarilyo. Pero nalalabuan kami sa pag-apila nung mga lead advocates ng "Smoke Free Philippines" sa cover photo ni Nora Aunor sa Yes! Magazine. Wala naman sya sa public place 'e. Ang reklamo nila, yung laspag na linyang public figure daw kasi yung tao. 'E ano ngayon? Baket ba ginagawa nilang bobo yung mga tao? Totoo ang sinabi nung editor ng Yes! Magazine, kailangang bigyan din ng halaga ang freedom of expression. Sa totoo lang, nagkaron kami ng respeto kay Nora Aunor. Nabilib din kami sa lakas ng loob ng Yes! Magazine. Kung ang takot ng mga tao, 'e baka gayahin si Nora ng mga umiidolo sa kanya, sa tingin naman namin, nasa tamang edad na yung mga yon para mag-decide para sa sarili nila. Baket, sa tingin ba nila may mga minor de edad na fans ni Nora? Seriously, lets be realistic sa mga concerns natin. Natatakot sila na maging masamang example si Nora Aunor sa madaming tao. 'E kung hindi nila ginawan ng eskandalo yan, mas hindi kakalat ang issue, at mas konti ang makakakita ng cover photo na yan. Sa sobrang moralista ng mga utak, nakakalimutan nang dumiskarte ng tama. Gusto nila magpakatotoo ang mga tao, pero ayaw nilang makita ng mga tao ang totoo? Sila na ang mga super pa-istars.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post