Miss Universe 2011 play by play breakdown.

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Ang Miss Universe Pegeant daw ang katumbas ng "Pacquiao fights" sa mundo ng mga bading. Kung tuwing laban ni Manny Pacquiao, walang traffic dahil halos lahat ng tao nasa bahay lang o nasa mga restaurant na may promo para makanuod ka ng laban live, habang kumakain ng overpriced na almusal. Tuwing may Miss Universe Pageant naman daw, sarado lahat ng parlor at salons dahil nahihirapan ang mga bading mang-gupit at magkulot habang nagchi-cheer.

Oprah's Statement
Ang daming umiikot na issue sa Miss Universe 2011 Pageant. Isa yung Oprah fake statement. Sabi sa NBC News, nag-comment daw si Oprah na kung Q and A lang ang basis, panalo dapat si Shamcey. Pero hindi naman daw totoo na sinabi ni Oprah yan sabi ng mga moderator ng website nya. Eto ang fake daw na statement ni Oprah...

 “I have reservations with the results. If the only basis is the Q and A portion, after having been trimmed down to 5, Ms. Philippines deserved to win. What made her different from the rest is that she had no seconds to rethink of her answer as she had no interpreter to break the ice. The rest had their interpreters and having breaks on seconds to think about their answers. Hands down, Ms. Philippines answered straight to the point.”

Lea Salonga's Question
May mga nagandahan sa tanong ni Lea, pero nandayan ang issue na nag-umpisa sa biro, na masyado daw madali ang tanong ni Lea Salonga kay Miss Angola. Nilinaw ni Lea na hindi ang mga judges ang nagsusulat ng questions kaya hindi nya pwedeng akuin ang complement.

"Translatorless"
Alam na ng lahat na 3rd runner up si Shamcey (Miss Philippines).Madaming umaapila na dapat daw panalo sya dahil sya lang ang walang translator. Pero sa tingin namin, hindi sya nanalo... dahil wala syang translator. Hindi namin sinasabing mali ang grammar, o mahina sa english si Shamcey. Magaling sya. Pero bago pa kumalat ang fake na statement ni Oprah, sinabi na namin na dapat may translator na ang mga susunod na "Miss Philippines", dahil nga mas kumakalma at nagkakaron ng oras makapag-isip ang contestant pag may translator.

"Next year pabaunan na ng translator ang Philippines sa Miss Universe. Para magkaron ng oras makapag-isip at mas kumalma ang pamato naten. Maganda yung sagot ni Shamcey, halata lang sa muka nya na kabado, kaya nabawasan ang elegance. 3rd runner up out of 89 contestants, sobrang astig parin." - by @MgaEpalAuthors on Twitter

Sa Miss Universe Pageant na yan, sa totoo lang, mukang secondary lang sa kanila ang content ng sagot sa Q and A. Ang pinaka napagbabasihan, yung kung pano nai-deliver o kung gano ka-graceful, charming, at elegant yung contestant habang sumasagot. Habang sumasagot si Shamcey, kita sa facial expression nya ang kaba. Pero kung base nga sa content ng sagot, Miss Philippines talaga.

Miss Philippines hugot dito

Shamcey's Answer
Tanong: “Would you change your religious beliefs to marry the person you love?”

Shamcey: “No. I will not change my religion to marry the one I love, because the first person I love is God. He is the one who created me. And the principles and values that I have now is because of Him. So if that man loves me, he should also love my God.”

Maganda naman yung sagot ni Shamcey para sa isang beauty contest na pabor sayo kung moralista ka. Sobrang hirap nung tanong. Kailangan nyang sumagot ng pabor sa religion. Syempre, moralista ang mundo 'e. Kung sinabi nyang magpapalit sya ng religion para sa mahal nyang tao, madami na namang bobo na aapila. Hindi kami anti-religion, nagagaguhan lang kame sa ruling ng iba na hindi pumapayag ikasal ang dalawang tao dahil lang iba ang religion nung isa. Pero ang basehan kung baket sa tingin namin ok yung sagot ni Shamcey, ay dahil alam naming panalo ang sagot nya para sa madaming tao. Miss Universe Pageant yan, at ang buong universe ay moralista.

Miss Angola Wins
Kay miss Angola talaga ang korona. Sobrang iba ang karisma ng babaeng yon. Iba ang rapor nya pag naglalakad sya. Charming, elegant, pinaghalong sexy at cute, at may dating na pagka-friendly yung muka nya. Lahat ng pumasok sa Final 5, nakalugay ang buhok. Kay Miss Angola, kitang-kita ang glow nung muka nya dahil nakapusod ang buhok. Ang hirap i-explain, pero iba talaga ang dating. Gusto din namin na sana si Shamcey ang nanalo, pero alam naming kung hindi si Miss Angola ang nanalo nung gabing yon, luto. Kadalsan, yung mga sinasabak sa Miss Universe, may muka na natural ang tabas ng overflowing self confidence. Pero kaya nag-standout si Miss Angola, sweet kasi at shy yung dating nya. Yung tipong maganda na maamo. Medyo hawig nga nya si Colleen Hadkell (Yung leading lady sa "The Animal") pag nakangiti. Medyo lang.



Closing Statement
Lahat naman tayo gusting si Shamcey na lang sana ang nanalo. Pero may mga taong pinipilit na "DAPAT" imbis na "SANA". Kung kame ang tatanungin, deserving si Miss Angola para maging Miss Universe 2011.. Pero ang tamang "DAPAT" dyan, ay dapat hindi lang 3rd runner up si Shamcey. Kahit hindi kami pabor sa sagot nya, dahil nga basihan ang "moral values", dapat mas mataas ang nakuha nya. Malayo naman ang kalibre ng sagot nya kung ikukumpara sa 2nd at 1st runner up, na hindi namin alam kung sino dahil sa totoo lang hindi sila relevant sa kwento.

0 comments for this post

Post a Comment