Ask The Authors (HBD)

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Tanong galing kay warp:
Tanong lang po; Halimbawa sa Facebook, pag birthday mo, may mga babati minsan sayo ng " HBD! :) " Sa tingin ninyo ok lang po ba na may mga bumabati ng ganyan? Concern lang po, baka kasi sa pasko magbatian na lang ng "MC!" tapos sa bagong taon "HNY!".

MgaEpal.com:
Magandang tanong. Salamat. Eto yung mga klase ng tanong na ganado kaming saguting. Yung mga tipong tungkol sa mga kusang loob na nagpapakaretarded. Siraulo yang mga umi-"HBD!" pag bumabati sa Facebook pag may nagbirthday. Tang*na "Happy Birthday" lang katatamaran pa ba yang i-type? Kung hindi ba naman pa-cool lang talaga yang mga taong yan. Feeling nila pag abbreviated, smart o sosyal. Una sa lahat, special na araw ng taong babatiin mo. Insulto lang kung babatiin mo sya ng shortcut. Muka ka lang tinamad, at kaya ka lang bumati para batiin ka din nya pag ikaw naman ang may birthday, at madagdagan ang babati sayo, para mukang madami ang may paki-alam sayo. Gago. Pangalawa, "Happy Birthday"... two words lang yan. Baket "HBD"? Kung hindi ba naman tanga lang talaga ang gagawa nyan. Ang tanong mo ay kung ok lang ba para sa amin na may mga bumabati ng ganyan? Oo naman, ok lang. Para pag-dating ng birthday nyo, malaman nyo kung sino sa mga kaibigan nyo sa Facebook ang pa-cool na tanga.

0 comments for this post

Post a Comment