"Kapag hindi ka nag-aral, wala kang allowance."
By mgaepals on 09:02
Filed Under:
Dumadaan sa buhay estudyante ang punto na itatanong mo ang "Baket ba kailangan pang mag-aral?" May mga taong nireregla ng tanong na yan sa murang edad. Mga tipong elementary pa lang tinatanong na yan. Sinusumpong lang yan ng katamaran. Meron namang mga estudyante na sa high school na dinadatnan ng tanong na "Baket ba kailangan pang mag-aral?". Hinuhubog na ang utak mo sa level na yan, kaya importante na mabigyan ng sagot ang bata kung high school na sya nagtanong nito. Ang pinaka simpleng sagot... "Para matuto." Ang pinaka prangkang sagot... "Para hindi masayang ang bayad sa tuition mo gago." Ang pinaka tamang sagot... "Para hubugin ang sarili mo sa tamang takbo ng utak sa pakikisama, pagharap sa problema, diskarte sa buhay, time management, at imulat ka sa iba't ibang emosyon." Oo, sa bahay dapat tinuturo yan, pero ang hands-on training mo ay sa paaralan at sa mga araw-araw na sitwasyon doon.
Ang tanong na "Baket ba kailangan pang mag-aral?", katanggap-tanggap hanggang high school. Kailangan lang mapaliwanag ng maayos ang sagot. Ngayon kung college ka na, ibang usapan na yan. Hindi mo na dapat naiisip ang tanong na yan kung college ka na. Yan na ang parte ng pag-aaral mo na pinaghahandaan mo na ang pagiging independent. Kung hanggang sa college ay tinatanong mo parin ang "Baket ba kailangan pang mag-aral?" lumipat ka na ng kurso. Hindi mo naman itatanong yan kung alam mo ang purpose ng kurso mo. Hindi mo pagdududahan ang pinag-aaralan mo kung ginusto mo yan dahil may plano ka na hanggang pagtapos ng graduation. Pag dating sa college, kanya-kanyang hanap ng sagot na yan. Laging nanjan ang option na tumigil sa pag-aaral. Pero ang option na yan ay para lang sa mga taong sigurado na sa sarili nila na kahit grumadweyt sila hindi parin sila magtatrabaho. Pero kung gusto mong mas lumaki ang chansa mo na makakuha ng tabaho, kailangan mo ng diploma. Bottom-line, kailangan mo mag-aral kung ayaw mong masyadong mahirapan maghanap ng trabaho. Mejo mahirapan lang.
0 comments for this post