Sadyestyon? RIDYEKSYON!
By mgaepals on 09:03
Filed Under:
Sina-suggest nung dating presidenteng babae na si Gloria Macapagal-Arroyo, na hatiin ang (ARMM) Autonomous Region in Muslim Mindanao. Kasama nya sa idea na yan ang anak nyang si Camarines Sur Representative Diosdado Arroyo. Gusto mahati ang ARMM sa dalawa at magkaron ng ARSM (Autonomous Region in Southwestern Mindanao) at ARCM (Autonomous Region in Central Mindanao) Yang mga yan ay under House Bill 173 at ang sabi nila, ang desisyon daw ay pagbobotohan ng mga probinsya, lalawigan, at baranggay.
Kung nagkataon, ang mga lugar na mapupunta ARSM ay:
Sulu, Basilan, Tawi tawi, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay and the cities of Isabela, Pagadian, Dipolog, Dapitan and Zamboanga.
At ang mapupunta sa ARCM ay:
Maguindanao, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Sultan Kudarat, North Cotabato, South Cotabato, Sarangani and cities of Cotabato, Marawi, Iligan, Kidapawan, General Santos, Koronadal, and Tacurong.
MgaEpal.com...
Baket ba pinagbibigyan pa yang mga yan? Si Gloria ay representative ng Pampanga, yung anak nya, representative ng Camarines Sur. Parehong wala sa ARMM yang mga lugar na yan, so baket nakikialam si Arroyo sa Mindanao NGAYON? Wala naman sigurong kinalaman na naging malapit ang mga Ampatuan kay Gloria noon. Kung ano man ang idea sa suggestion ng magnanay na yan, mas mabuti pang hindi pansinin. At isa pa, botohan daw ang pagbabasihan ng desisyon kung nagkataon. Hindi namin alam kung baket, pero ang pangit lang talaga ng idea na BOTOHAN kapag may kinalaman si Arroyo.
intense na muka ni Gloria hugot dito
0 comments for this post