Sinabi ni Noynoy na kasalanan nya ang kapabayaan na nangyari sa "Bus hijacking incident"

By mgaepals on 09:03

Filed Under:

Taong may paninindigan lang ang kayang umamin sa malaking kabobohang nagawa nya. Matapang na tao lang ang kayang umako ng katangahan. Pinakita ni Noynoy na may itlog sya (hindi literally) Kung gano kabilis kumalat ang balita tungkol sa "Bus hijacking", sana ganun din kabilis kumalat ang balita ng pag-amin ni Noynoy sa kapabayaan nya. Sya ang Presidente, kaya kahit naging inutil ang kapulisan, si Noynoy ang may kasalanan dahil hindi nya inutos ang mga tamang diskarte. Kahit naging agresibo ang media sa pagrereport, kasalanan ni Noynoy dahil hindi sya nakipag-coordinate sa media. Kahit naging gago si Mayor Alfredo Lim sa pag-uutos na arestohin ang kapatid ni Ronaldo Mendoza na nagpainit ng ulo ng tarantadong hostage taker na yan, si Noynoy parin ang may kasalanan dahil hindi nya inutos na padaanin muna lahat sakanya ang mga disisyon na gagawin. Dapat nga talaga na tinuring na national crisis yon dahil mga dayuhan ang karamihan sa hostage at buong mundo na ang nanunuod. Sa pag-amin ni Noynoy sa pagiging leader ng "Team Bobo" ngayon, sana mapaabot sa mga taga Hong Kong na si Noynoy na lang ang murahin nila at wag nang idamay ang mga inusenteng Pilipino. Salamat Noynoy dahil inako mo ang katangahan mo. Wag ka nang ngingiti-ngiti ulit pag may namatay. Umpisa pa lang ng term ni Noynoy. Baptism of fire siguro yan, kaso nadamay ang Pilipinas. Sa tingin namin makakabawi pa si Noynoy.


Bumawi ka Noynoy, kung hindi aasarin ka namin.
Naku mukang mababa pa naman ang self esteem mo.

0 comments for this post

Post a Comment