MgaEpal.com Top 10 "Astig na Bading" 2000-2010
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Hindi namin alam kung baket masama ang tingin ng ibang tao sa salitang "bading". Walang masama sa pagiging bading. Kami, alam namin yon. Nakakatawang isipin na tanggap ng mga bading ang salitang "bading", tapos yung mga moralistang hindi bakla ang nao-offend sa salitang "bading". Kapag sinabing "gay" ok lang, pero pag "bading" ang ginamit na salita, madaming nagrereact. Hindi porke English mas ok. Panahon na para tanggapin ang Filipino word na "bading" para tukuyin ng maayos ang mga kababayan natin na miyembro ng 3rd sex.
Top 10 "Astig na Bading" award (To be awarded every 10 years)
Parangal sa mga bading na bumibiro at bumibira.
(Movers and shakers ng kabadingan sa Pilipinas.)
May higit sa dalawang dekada nang subok ang staying power bilang de kalibreng fashion designer. Kung baga sa gangster, O.G. na 'to.
X-factor: Ang sino mang bading na mabanggit sa kanta ng Eraserheads ay karapat-dapat sa Top 10 Astig na Bading. Inno Sotto number 10 sa Astig na Bading.
#9 Fanny Serrano: Umapaw ang kayamanan sa ubod ng daming parlor branches. Compelling at mahusay na aktor/aktres. Nagsisilbing inspirasyon at idol ng mga parlorista.
#8 Danton Remoto: Pasimuno ng "Ang Ladlad" political party. Napagbigyang tumakbo at pinataob ang COMELEC pagkatapos silang ideny ng dalawang beses para makatakbo sa national elections.
Nakasulat ng ng 8 na libro.
#7 Alan K.: Naging successful na KTV master at tumutulong sa ibang komidyante para makapagsimula at umunlad. Yumaman sa tagumpay ng mga KTV nya pero nananatiling walang ere sa ulo.
#6 Vice Ganda: Umabot ng lampas isang milyon ang fans sa Facebook. Sa dami ng komidyante at bading sa showbiz, napili para maging bida sa remake ng "Petrang Kabayo". Vice Ganda, (pwedeng maging President Ganda) sagad sa number 6.
#5 Rustom Padilla (BB Gandang Hari): Nasaksihan ng buong Pilipinas ang pag-amin nyang bading sya. Dahil pinili nyang kay Keanna Reeves umamin kahit kontrobersyal si Keanna, napakita ni "BB" na hindi sya nanghuhusga base sa sabi-sabi ng iba.
#4 Jobert Sucaldito: Ang bading na pinaka mukang siga. Nagpataob sa mala-buhay pusa na si Willie Revillame sa channel 2.
#2 John Lapus: Bading na palaban pero marunong rumespeto. Mula hosting hanggang sa pagiging komidyante, professional. Tipo ng bading na nakakatakot makasuntukan.
Kilala bilang si "Sweet", pera mas bagay na tawaging "Chilimansi" dahil may asim magtanong, at may anghang sumagot.
Top 10 "Astig na Bading" award (To be awarded every 10 years)
Parangal sa mga bading na bumibiro at bumibira.
(Movers and shakers ng kabadingan sa Pilipinas.)
MgaEpal.com Top 10 "Astig na Bading" 2010
#10 Ino Sotto: May higit sa dalawang dekada nang subok ang staying power bilang de kalibreng fashion designer. Kung baga sa gangster, O.G. na 'to.
X-factor: Ang sino mang bading na mabanggit sa kanta ng Eraserheads ay karapat-dapat sa Top 10 Astig na Bading. Inno Sotto number 10 sa Astig na Bading.
#9 Fanny Serrano: Umapaw ang kayamanan sa ubod ng daming parlor branches. Compelling at mahusay na aktor/aktres. Nagsisilbing inspirasyon at idol ng mga parlorista.
X-factor: Kamuka ni Willie Revillame. At dahil kaya nyang pumalag sa international cosmetic scene, pasok si Fanny Serrano sa number 9.
#8 Danton Remoto: Pasimuno ng "Ang Ladlad" political party. Napagbigyang tumakbo at pinataob ang COMELEC pagkatapos silang ideny ng dalawang beses para makatakbo sa national elections.
Nakasulat ng ng 8 na libro.
X-factor: Nanatiling bading kahit Military Officer ang tatay. Bilang bading na kayang talunin ang lalake sa suntukan, si Danton Remoto ay 8th sa Astig na Bading.
#7 Alan K.: Naging successful na KTV master at tumutulong sa ibang komidyante para makapagsimula at umunlad. Yumaman sa tagumpay ng mga KTV nya pero nananatiling walang ere sa ulo.
X-factor: Ang lantarang bading na mabigyan ng blessing ng Tito, Vic, and Joey para magtagal bilang host sa Eat Bulaga ay astig na bading. Alan K. pasok sa number 7.
#6 Vice Ganda: Umabot ng lampas isang milyon ang fans sa Facebook. Sa dami ng komidyante at bading sa showbiz, napili para maging bida sa remake ng "Petrang Kabayo". Vice Ganda, (pwedeng maging President Ganda) sagad sa number 6.
X-factor: Naging Unevictable Judge sa Showtime, kahit wala namang salitang "Unevicteble". Live silang nagbangayan ni Tado sa T.V., kaya si Vice ganda ay pasok sa number 6.
#5 Rustom Padilla (BB Gandang Hari): Nasaksihan ng buong Pilipinas ang pag-amin nyang bading sya. Dahil pinili nyang kay Keanna Reeves umamin kahit kontrobersyal si Keanna, napakita ni "BB" na hindi sya nanghuhusga base sa sabi-sabi ng iba.
X-factor: Ang sino mang bading na ipaglalaban hanggang dulo ng angkan ng mga barakong Padilla ay astig na bading. Pasok sa number 5 Astig na Bading, BB Gandang Hari.
#4 Jobert Sucaldito: Ang bading na pinaka mukang siga. Nagpataob sa mala-buhay pusa na si Willie Revillame sa channel 2.
X-factor: Kahit sinong bading na ikapikon ni Wiliie Revillame sa pagtira sa kanya ay saksakan ng kaastigan. Sa number 4, Jobert Sucaldito.
#3 Boy Abunda: Kung si Kris Aquino ang kikay na Oprah, Si Boy Abunda naman ay maituturing bilang bading na Oprah ng Pilipinas. Nagawang pangbading ang salitang "Homeboy".
X-factor: Ang bading na hindi pogi o maganda pero nakukuha para mag-endorse ng beauty clinic ay napaka astig na bading. Patunay na ang karisma ni Boy Abunda sa tao mula sa iba't-ibang estado ng buhay ay hugot mula sa kung papano nya iprisinta ang sarili nya. Boy Abunda, steady sa number 3.
#2 John Lapus: Bading na palaban pero marunong rumespeto. Mula hosting hanggang sa pagiging komidyante, professional. Tipo ng bading na nakakatakot makasuntukan.
Kilala bilang si "Sweet", pera mas bagay na tawaging "Chilimansi" dahil may asim magtanong, at may anghang sumagot.
X-factor: Astig na Bading lang ang gagawan ni Gloc 9 ng kantang "Don't Lie To Me". Ang bading na may pinaghalong katarayan ni Maricel Soriano, at aura ni Jett Pangan ay karapatdapat panghawakan ang number 2 spot "Astig na Bading"
#1 Ogie Diaz: Bumalandra na sa higit 40 (Oo kwarenta) na Pelikula at TV shows ang muka ni Ogie Diaz. Natural maging witty ang mga bading pero iba ang kamandag ni Ogie sa hiritan.
X-factor: May mga magtatanong kung baket si Ogie ang number 1 sa Astig na Bading. Ang sagot, irony. Ang sino mang bading na nagsimulang sumikat sa iconic show na "Palibhasa Lalake" bilang si "Pekto" ay napaka Astig na Bading. Guma-Gus Abelgas. Lumo-lokomotion. San ka pa? Nakita pa namin 'to sa "Decades" sa Roses years ago, kamuka nya si Jao Mapa.
Hanggang 2020 panghahawakan ni Ogie Diaz ang number 1 spot bilang "Astig na Bading". Kaya yung mga ayaw pang umamin na bading, lumantad na kayo, meron kayong 10 years para mangampanya bilang susunod na pinaka Astig na Bading.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post