May mga senador na nagrereklamo sa pagsabi ni Noynoy na sya ang dapat sisihin sa maling pag-handle ng "Bus hijacking incident"
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Talk about crab mothafuckin' mentality...
Hindi namin sinasabi na hindi "nagpapapogi" si Noynoy nung inako nya ang responsibilidad. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Sa ginawang pagsosorry ni Noynoy at pag angkin ng katangahan na nangyari, totoo na hindi nakasama sa image nya yon. Nakaganda pa nga, dahil nagmuka syang responsible.
May mga nagsabi na inappropriate statement ang ginawa ni Noynoy, at pinahina pa nito ang presidency... 'E ANO NGAYON??? Ang importante ay magkaron ng tiwala ang ibang bansa na kayang maging matino ng Pilipinas. At hindi ito bansa ng mga taong nagtatago lagi ng baho, at mahilig magsisihan.
Hanapin nyo sa google kung sino yang mga pumapapel na senators. tapos hanapin nyo kung ano ang ginawa nila habang nagaganap ang hostage taking at kung may ginawa ba sila pagkatapos ng hostage taking. Naging inutil nga si Noynoy na pag-asikaso sa sitwasyon na yon. Isang bagay na nakasama sa imahe ng Pilipinas, pero hindi lang sya ang naging tanga. Hindi nga siguro DIRECT na respunsibilidad ng mga senator ang pagdedesisyon kung ano ang dapat ginawa, kaya hindi nila kailangan magsorry. Pero kung merong gustong umako ng sisi para hindi na madamay ang pangalan ng bansa at ng mga nakatira dito, baket kailangan pang siraan ang mga taong yon? Kung makakabuti sa Pilipinas, wala kaming pakialam kung nagpapabida lang si Noynoy o hindi. Kapag sila ang naging presidente ng Pilipinas, edi sila naman ang umako sa katangahan na gagawin nila. Muka namang kaya din nilang maging tanga.
0 comments for this post