On Charice's Glee Gig
By mgaepals on 09:04
Filed Under:
- Maganda ang "interaction" ni Charice sa ibang characters. Hindi sya nagmukang aloof o out of place.
- Binihisan sya para magmukang mas bata. Maliit si Charice kaya hindi lang sya nagmukang high school, nagmuka syang elementary.
- Hindi masyadong maganda ang porma nya sa Glee. Pwedeng sinadya, tapos magkakaron sya ng "She's All That" moment.
- Sunshine Corazon ang pangalan ni Charice sa Glee. Baka tribute kay Corazon "Tita Cory" Aguino yan, pero... Sunshine Corazon? Sunshine Corazon talaga? Wala na bang mas stereotype na pangalang Pilipina jan? Sunshine Corazon??? Sinong banban ang naka-isip nyan?
- Astig yung performance nya nung "audition" scene.
- Pwede syang mapagkamalan na may dugong African-American dahil sa ganda ng boses at kilos nya pag kumakanta.
- May mga Pilipino na ngayon lang nakanuod ng Glee para lang suportahan si Charice at nainis sa character nung "Rachel" dahil "inapi" si Charice.
- Kailangang ikalat ang positive feedback tungkol kay Charice sa internet para maging regular sya sa show habangbuhay.
- Mas dadami ang Pilipinong manunuod ng Glee. Suportahan nyo si Charice, pero kayo na lang. Seryosong natutuwa kami para kay Charice at gusto namin syang suportahan, kaso ayaw talaga namin manuod ng Glee dahil hindi namin mapigilang sumabay sa mga kantang ayaw namin sabayan.
- At dahil magiging sobrang hit na din sa "masa" ang Glee, gagayahin na ito ng local networks. Gagawan na naman ng tagalog version yan. Tatawagin nila itong "Kantateros"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post