Jueteng in vain for your love...

By mgaepals on 09:03

Filed Under:

Sa dami ng issue na nakakapit sa jueteng legalization, masyadong nagmumukang komplikado ang sitwasyon. May mga kontra at may mga sang ayon. Kung tutuusin mas may utak ang mga payag i-legalize ang jueteng.

Sinasabi ng iba na wag nang gawing ligal ang jueteng dahil dadami ang sugarol. Baka imbis na ipangbili ng pagkain, ipang-jueteng lang daw ito. Edi pabayaan nyo silang magdesisyon. Parang lotto lang naman yan, may mananalo, may matatalo, nasa tao na yun kung gusto nyang kumain, o gusto nyang isugal ang pera sa ahhh sugal.

Bobo talaga ang mga kontra sa jueteng legalization. Baket, ayaw ba nilang magkaron ng trabaho ang ibang tao? Alam mo ba na sobrang daming trabaho ang magiging available kung nagkataon? Kahit hindi nakapag-aral ay pwedeng mabigyan ng trabaho as "kolektor". Malamang naisip na din nila na milyon kung hindi bilyon ang tax na pwedeng makuha sa jueteng. Isipin mo na lang kung magkano ang napupunta sa bulsa ng ibang politiko at pulis bilang "lagay" galing sa mga 'jueteng lords". Pag ginawang ligal yan, hindi na kailangan maglagay sa mga politiko, diba? Ah teka... baka kaya ayaw nilang gawing ligal.


image hugot dito

0 comments for this post

Post a Comment