MgaEpal.com Reacts.
By mgaepals on 09:02
Filed Under:
Susuportahan daw ng mga Catholic Bishops sa Pilipinas ang mga protesta laban kay Noynoy Aquino kapag tinuloy nya ang kampanya ng birth controls/contraception. Nagsabi kasi si Noynoy na magbibigay ng artificial birth control methods ang gobyerno bilang tulong sa mahihirap na mag-asawa. Sabi ng spokesman ng mga bishop na si Father Melvin Castro, madami din leaders (leader-leaderan) ng simbahan ang nagalit at may balak talagang magprotesta. Pero hindi daw sasama sa protesta ang mga bishops at moral (moralista) support lang daw ang ibibigay nila.
Authors' reaction:
Ganito na lang... Kapag yang mga bishop at "church leaders" na yan na ang nagpapakain sa mga anak ng mahihirap na mag-asawa, tsaka na sila umapila. Kapag yang mga bishop at "church leaders" na yan na ang nahihirapan maghanap ng pang-tawid gutom ng mga anak ng mahihirap, pwede nang makinig si Noynoy sa kanila. Mga "church leaders" ang mag-oorganize ng protesta, pero pag dating sa mismong protesta, puro mamamayan na nagpauto ang nahihirapan sa ilalim ng init ng araw, nagugutom, at napapagod. Pero may moral support naman daw na manggagaling sa mga bishops. Baket hindi na lang moral protesta ang gawin ng mga magpapauto? Tutal moral support lang naman ang makukuha nila, magprotesta na lang sila sa sarili nilang utak.
"May God deliver us from the stupid fun and the stupid ones. Please give us all we need for the higher seat and keep away all moralista bullshit. Amen" -MgaEpal.com
Karamighan ng kontra sa birth control ay matatanda na, at nakatulong sila sa pagpapabaya sa population explotion ng Pilipinas sa loob ng madaming dekada. Ngayon, ipaubaya nyo na sa amin ang mga susunod na dekada, hindi namin kailangan ang tulong ng mga moralistang takot sa pagbabago.
0 comments for this post