NBA = New Basketball "Asosasyon"
By mgaepals on 09:03
Filed Under:
May bagong guidelines sa NBA (National Basketball Association) ngayon regarding player attitude. Pwede nang tawagan ng technical foul ang tuloy-tuloy na pag-apila sa tawag ng referee kahit hindi ka sumisigaw. Bawal din ang pagtaas o pagpapakita ng kamao habang nagagalit ang player kahit wala syang inaaway. Hindi na din pwede ang sarcastic o exaggerated na kilos pag ayaw mo ang tawag ng referee kahit impulsive lang, at para lang makapag-release ng frustration.
Kung ganyan ang basehan ng technical fouls pag-pasok ng 2010-2011 NBA season, inaasahan namin na pag-dating ng 4th quarter, 3 on 3 na lang ang laban at yung towel-boy na ang nagco-coach. Magiging sports drug na din ang Valium para sapilitang pakalmahin ang players. Lalagyan na din ng letter "W" sa umpisa ng NBA. At ang mga gustong makakita ng emotional game ng basketball ,ay kailangang mag-antay ng piyesta para makanuod sa liga ng mga bading.
0 comments for this post