"An insult to the Philippine president was an insult to Filipinos."
By mgaepals on 09:04
Filed Under:
Yan ang sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa isang interview. Reaksyon nya yan pagkatapos sabihin ni Pres Noynoy na nagpadala ng "insulting letter" ang isang Hong Kong Government Official.
Utang na loob Sen. Defensor-Santiago, wag nyong idamay sa panlalait na nakukuha ng gobryerno ngayon ang LAHAT NG PILIPINO. Kayo ang nagdedesisyon. Pag maganda ang kinalabasan, kayo lang ang pogi, pero pag palpak, lahat tayo panget? Nung presidente si "Erap" at nauso ang Erap Jokes, may nagsabi ba ng "An insult to the Philippine president was an insult to Filipinos."? Nung naging presidente si Gloria Macapagal Arroyo, naligo ng insulto yan. Actually nagswimming sa insulto si Gloria. Mga pangiinsulto galing sa taong bayan, sa ibang senator, at media people. Nung iniinsulto si Gloria, wala namang nagsabi ng "An insult to the Philippine president was an insult to Filipinos." kaya wag kang pauso ngayon Miriam. Kung mga insulto lang din naman ang i-she-share nyo, putek ipagdapot nyo na. Inyong-inyo na yan.
0 comments for this post