Pro ng ULAN

By mgaepals on 09:00

Filed Under:

Pro (Positive)

 Napapatubigan ng maayos ang pananim ng mga magsasaka.

Masarap matulog dahil malamig.


Nagkakaron ng pag-asa ang mga bata dahil inaabangan nila
ang announcement na walang pasok.

Nakakatipid sa pagkain dahil 10 times na mas sumasarap ang
murang lugaw pag umuulan.

Masarap "magtabi" sa kama dahil malamig.

May nakakasal na tikbalang pag nagkataong umaaraw din.

Nabubura ang mga sinulat na pangalan at drawing ng "bird"
sa maalikabok mong kotse.

 Nakakaipon ng extrang tubig galing sa bubong na 
akala mo wala nang butas dahil ok na daw sabi nung gagong karpintero.

Nakakapagliwaliw at nakakapagswimming sa baha
ang mga bata, tapos minsan hindi sila nagkaka-cholera.

Lumalakas ang kita ng mga kainan sa may UST 
dahil sa mga nakatambay na lalakeng estudyante 
na nag-aabang ng mga babaeng estudyanteng mauulanan at babakat.

Automatic nahuhugas ang suka sa labas ng gate pag nag-iinuman.

0 comments for this post

Post a Comment