Kung hindi din pala ignorante 'tong mga taong 'to, baket nila iisipin na madami ang gagawa nyan. Ikaw, lalampas ba sa 2 ang kakilala mong nag-quit ng Facebook kahapon? Sa kasalukuyan ay wala pa kaming kilala na nag-quit dahil sa "Quit Facebook Day" na yan.
Hindi kami anti o pro Facebook. Ang basehan lang namin kung baket ALAM NAMIN na gatuldok lang SA NGAYON ang may itlog na mag-quit ng Facebook account nila ay dahil wala pang makakatapat na networking site sa interest level na binibigay ng Facebook.
Meron kang plurk, pero may Facebook ka rin. May tumbler ka, pero may Facebook ka rin. May Twitter, o Blogger, o Wordpress, o baka may Friendster ka parin pero meron ka ring Facebook. Kahit mga taong walang personal Facebook account ay merong Facebook page. Parang mga taong may dalawang cellphone lang yan na merong Smart o Globe pero laging may Sun.
Hangga't walang tumatapat sa networking / activity interest na binibigay ng Facebook sa mga taong mahilig magpapansin, mang-stalk, makisosyalan, maki-update, makiepal, mang-usisa, at manglandi, hindi mawawalan ng patron ang Facebook kahit marami ang nagrereklamo. Alam ng Facebook na kailangan ng mga tao ang serbisyo nila kaya hindi sila nababahala. Parang MERALCO na malakas ang loob magtaas ng singil sa koryente dahil alam nilang walang ibang pagkukunan ng electricity ang mga taong kinonektahan nila. Sa tingin mo ba magiging ganyan kataas ang halaga ng koryente kung may competitor ang MERALCO? Hindi ka ba nagtataka kung baket hindi pinapayagan ng gobyerno na magkaron ng kalaban na kumpanya ang MERALCO?
Mabalik tayo sa Facebook...
Wag na nga.
Kathy: Uy sorry traffic sa EDSA. Pumunta ako agad dito nung nakuha ko yung text mo, ano bang nangyare?
Sonya: Naghiwalay na kami ni David.
Kathy: Aba 'e mabuti naman.
Sonya: Ayaw na daw nya sakin.
Kathy: Dati ko pa naman kasi sinasabi sayong hiwalayan mo na yung lalakeng yon diba? Tanga yun 'e.
Sonya: Hindi kasi ako naniniwala dati na tanga si David 'e.
Kathy: So baket bigla ka yatang natauhan?
Sonya: Umiiyak na kasi ako tapos sabi ko sakanya hindi ko talaga kayang mabuhay ng wala sya...
Kathy: 'O tapos?
Sonya: Sinabihan nya ako ng "Don't touch me!"... pasigaw pa.
Kathy: Well, harsh yung ginawa nya at sobrang insensitive?. Pero this time, hindi naman yata katangahan yung ginawa nya.
Sonya: Sa telepono ko sya kausap nun...
Kadalasan kapag nakakakita ka ng magshota na isang pangit at isang maganda o gwapo, ang unang reaksyon natin ay "uy jackpot!" o kaya "lugi!".
- May takot kang baka may manglandi sa shota mo.
- Hindi ka kampante tuwing lalabas sya ng hindi ka kasama dahil baka may makilala syang iba.
- Nahihiya ka minsan dahil isip mo tingin ng iba hindi kayo bagay.
- Nagmumuka kang alalay / alaga.
- Nagseselos ka dahil madaming tumitingin sakanya.
- Nag-aaway kayo dahil ayaw mong kasama nya ang mga "kaibigan" nya dahil alam mong may gusto sakanya ang mga yun.
- Hindi naniniwala ang mga tao na shota mo sya kahit nagsabi ka na ng "swear, promise, mamatay man ako, hope to die, tamaan man ako ng kidlat, liars go to hell."
- Kompyansa ka dahil alam mong walang nanlalandi sakanya.
- Muka kang mabait at hindi superficial.
- Hindi ka tataba dahil wala kang gana kumain tuwing kaharap mo sya.
- Muka kang sosyal dahil muka syang alalay.
- Muka kang animal lover dahil muka syang alaga.
- Alam mong loyal sya sayo kahit hindi nya sinasadya.
Epal: May joke ako sayo.
Mas Epal: Ok game...
Epal: Noon, ang inaantay ng mga tao bago magpakasal ay kabilugan ng buwan.
Ngayon, ang inaantay ng mga tao bago magpakasal ay kabilugan ng tiyan.
Mas Epal: Alam kong joke yan, pero tinamaan ako dun 'a.
Epal: Baket???
Mas Epal: Mejo tumataba na kasi ako, ayoko pang magpakasal.
Epal: Tanga! tiyan ng babae ang pinag-uusapan dyan!
Mas Epal: Ahhhh, Oo nga 'no haha! Gets ko na... Sabihin ko nga sa girlfriend ko wag muna syang magpapataba. Ayoko pa talagang magpakasal.
Epal: Aba gets mo nga ah! Booyset! Booyset booyset booyset!!!
Kailangan namin ng mga reaksyon / boto nyo para sa isang pustahan.
Isang hapon, habang kumakain, pumasok sa diskusyon namin kung pano ang tamang tawag sa mga kubyertos, "Fork and spoon" ba o "Spoon and fork"?
Kung hindi nyo pa napagdibatihan ng mga kaibigan mo yan, pwede mong itanong yan sakanila sa susunod. Pero sa ngayon, nakasalalay sainyo kung sino sa apat na authors ng MgaEpal.com ang mga mananalo ng nangunguripot na 200 pesos (dalawa sa amin ang mananalo ng tig 200 pesos dahil kampihan ang pustahan)
Sasabihin mong pareho lang naman yan... oo na, bomoto ka nalang. Ano ang MAS nakasanayan na tawag sa bahay nyo sa kutsara at tinidor?
Isa sa mga unang tinuturo at natututunan natin sa pagkabata ay ang "Close, Open, Close, Open"
pero para sa 2 years old na si Ardi Rizal ng Indonesia, ang tinuro sakanya ay "Hithit, Buga, Hithit, Buga".
Sinasabing ang tatay ni Ardi ang nagpatikim sa bata ng yosi, at ngayon ay addicted na ang baby na yan sa nicotine. Malungkot ang nanay ni Ardi dahil hindi daw mapigilan ng bata magyosi at nagta-tantrums kapag hindi nabigyan. Para naman sa gung-gong na tatay nya, ok lang daw ito at nagsabi pa ng "He looks pretty healthy to me. I don't see the problem." Sa palagay namin 'e mukang hindi lang yosi ang hinihithit ng tatay ni Ardi.
GOVERNMENT WARNING: BOBONG TATAY IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH.
nagpausok ng issue dito
Nakita mo na ba ang ganda ng mga ilaw sa Paris kapag gabi? Wala kaming pakialam kung nakita mo na yun, pagusapan nalang natin ang mga langgam. Kapag nagkakasalubong ang mga langgam, muka silang nag-uusap, pero ang totoo ay nagkataon lang na pareho ang sinusundan nilang chemical path kaya nagkakauntugan sila. Ang chemical path na sinusundan nila ay nilalabas ng mga langgam para masundan nila ang daan patungo sa pagkain at pabalik ng nest nila. Maliliit lang ang mga langgam, pero alam mo ba na madaming maaapektohan na ibang hayop kapag nawala ang mga langgam sa mundo. Kaya hindi namin gustong mamatay lahat ng langgam sa buong mundo kahit nilanggam ang mga turon at kamoteque namin kanina. Sana lahat lang ng langgam sa Pilipinas ang mamatay, kahit yung mga nasa Quezon City lang.
Oist! mga batang ikahihiya itong video na 'to balang araw... painumin nyo pa yang singkit, mukang napilitan lang yan dahil sa project nyo. Yung malusog mejo bawasan nyo ang iniinom nyang batang yan.
Dissection:
Hindi na nagkaron ng round 2 dahil sa pareho ngang "nagpublic apologize" si Vice Ganda at Tado.
Sa tingin namin, ang ginawang pagsosorry ni Vice Ganda ay hindi dala ng tunay na nararamdaman nya. Pero matalinong diskarte ang ginawa nya dahil marami ang hindi nagustuhan ang ginawa ni Vice Ganda kay Tado "The Real Thing" Jimenez. Naglabasan ang mga anti-Vice Ganda sa mga networking sites at nagpahayag ng suporta kay Tado. Siguro dahil nalaman ni Vice Ganda na hihingi ng sorry si Tado, kaya inunahan na nya ito para mabait sya. Magaling na diskarte diba? Sa "Showtime", ang primyadong husgadero ay si Vice Ganda, pero sa takot na lalo pang mahusgahan, lumabas ang "sorry" straight from the horse's mouth.
*Bobo alert: Ang linyang "Straight from the horse's mouth" ay isang idiomatic expression na ang ibig sabihin ay "Mismong sya ang nagsabi.", at walang kinalaman na mukang kabayo si Vice Ganda.
Sa pagtatapos ng match-up na 'to, eto ang kanta na ihahandog sana ni Tado kay Vice Ganda:
Good luck at best wishes kay Vice Ganda.
Bomoto na mapatagal si Tado sa "Showtime". Kahit 3 weeks lang. Para masimulan ni Tado ang pagimprenta ng dyaryo nya.
Kumuha ka na muna ng chichirya, alak o soft drinks, at pumwesto ng kumportable bago mo simulan 'to.
DJ Ramon, DJ Angel, DJ Tado (collectively known as Brewrats) at 92.3 UFm
Ito ang "pre-fight happenings" ng round 2 Tado vs Vice Ganda. Matatandaang sa unang barahan ay lumamang lang ng .5 points at nanalo si Vice Ganda dahil mejo binabaan ni Tado ang timpla ng mga banat nya. (eto ang pinagmulan ng lahat)
Ubos oras ka muna dito!
Brewrats: From 7pm - 10pm, Monday to Thursday except Friday.
5 minutes lang ng video ang panoorin mo. Yung mgs kasunod, wala nang kinalaman dito.
Himayin natin ang sagutan ni Tado at Vice Ganda. Tingnan natin kung sino ang nanalo sa barahan.
(Tinamaan si Vice Ganda sa comment ni Tado. Kalahating puntos lang para kay Tado dahil hindi nya sinasadya ang pang-aasar.)
Personal quote ni Vice Ganda na pasaring nya kay Tado:
Instant sagot na quote ni Tado:
"Ang lalakeng gipit, sa bading kumakapit."
(Pumuntos na naman si Tado... 2.5 points na si Tado, si Vice Ganda nakaka 1 point palang.
Vice Ganda counter attack:
"Pero ang gipit, kung ganyan ang itsura, walang bading na magpapakapit."
(Mabilis na sagot sa ibinatong quote ni Tado. Direkta at hinugot mismo sa sinabi ni Tado kaya 2 points ang hirit na yan.)
Follow up personal attack by Vice Ganda:
Sira naman pala yung payong, sana pinagawa nyo muna kay Tado, tutal hindi naman sya busy nowadays."
(Matindi 'to. Mejo below the belt na ang hirit na yan. 2 points)
Huling banat ni Tado:
"Ha? Hindi ako nakikinig 'e."
(Simple pero pasok. 1 point.)
Huling hirit ni Vice Ganda:
"Hindi ka talaga marunong makinig kase bastos ka."
(Pikon na sagot na hindi nakakatawa. -1 point.)
Gusto din namin magkomento na ang ginawang hirit ni Vice Ganda tungkol sa hindi pagiging busy ni Tado nowadays (Pahapyaw na hirit na konti lang ang projects ni Tado sa TV.) Mejo out of line yun. Wala nang kinalaman sa usapan yun, pero dahil na din siguro sa init ng ulo kaya nya yan nasabi.
Ang MgaEpal.com ay hindi pumapanig sa kanino man dito. Ang gusto lang naman sabihin ni Tado ay hindi bumagay ang pangalan ng contestant sa performance, kaso lang mali ang mga pinili nyang salita. Nasa lugar din naman ang naging reaksyon ni Vice Ganda dahil mali talaga ang diskriminasyon.
Vice Ganda: 4
"Come from behind win" by Vice Ganda.
Epal: Ang ganda nung bagong tato ni emong sa braso 'no? May background na kamay ni God na binabali yung sungay ni satanas.
Mas Epal: Onga, nakita ko nga kanina... Naniniwala ka ba na may Diyos at mga demonyo?
Epal: Sa Diyos lang...
Mas Epal: Baket?
Epal. Ayoko mapunta sa impyerno.
Mas Epal: Ganun ba yon???
Epal: Ewan ko. Basta yun ang gusto kong paniwalaan.
Epal: Ayaw mo sa byenan mo 'no?
Mas Epal: Pano mo nalaman?
Sarah: Boy, bading ka ba?
Boy Honest: Hinde.
Sarah: 'E baket ang tagal ko nang nagpapacute sayo hindi mo naman ako pinapansin.
Boy Honest: Hindi nga kasi ako bading, 'e muka kang lalake.
Para sa mga babae...
Wag kayong maniniwala sa mga kaibigan nyong NAGMAMARUNONG, na nagsasabi ng:
Dahil kahit sinong lalake...
KAHIT SINONG TUNAY NA LALAKE ANG TANUNGIN MO...
Hindi nagsasawa!
Sorry, time is up.
Pumayag si Manny Pacquiao na magpakuha ng dugo 14 days before ang laban nila ni Floyd Mayweather Jr. kung magkataon man na matuloy ang laban.
Kailangan na talaga matuloy ang laban na 'to. Sa huling laban ni Mayweather, nagpakita sya ng magandang performance. Kahit kami na lampas langit ang galit kay Mayweather (lampas moon pa) ay nabilib ng konti sa ginawa nya kay matandang Mosley. Sabi nga namin, ang ayaw lang namin kay Mayweather ay ang mga "WWE type bullshit" nya (Mga kadramahan na sa wrestling lang namin matatanggap.) Pero kung sa talent, may ibubuga 'to si Floyd. Wag lang syang maging boring na fighter, sobrang gandang laban ang ipapakita nilang dalawa ni Pacquiao.
Hindi kami nagdududa sa kakayanan ni Manny, pero gusto naming sabihin na manalo man o matalo si Manny sa laban na yan, kailangn talaga nilang ituloy yan dahil pambihira magkasabay ang dalawang boksingero na may pure at NAPAKATAAS na kalibre na tulad ni Pacquiao at Mayweather (wag lang talagang maging masyadong boring ang style ni Mayweather).
Imposible naman talagang hindi matuloy yan kung tutuusin dahil sa LAKI NG PERA na makukuha, hindi lang ng dalawang boksingero, kundi pati ng mga taong nakapaligid sakanila. Sinasabing pinaka malaki ang hahatakin na pera nyang laban na yan sa history ng boxing.
Matutuloy yan, at magkakaron pa ng rematch. Maniwala ka dahil magaling kame.
picture hugot dito
Hanggang sa mga oras na sinusulat ito ay kasalukuyang hindi pa nagbibigay ng reaksyon ang ABS-CBN (channel 2) tungkol sa binigay na sulat ni Willie Revillame na request para marelease bilang talent nila. Kahit kami ay hindi din magbibigay ng reaksyon dahil tinamad kaming basahin ang sulat ni Willie dahil ang haba haba haba. Baka naman tinamad din magbasa ang ABS-CBN dahil sa haba ng sulat na yan.
Kung masipag kang magbasa at masyado kang maraming free time, eto sige ikaw nalang ang magbasa...
Dear Sir Gabby and Ma'am Charo,
I have labored over the past week on what to do in the face of another setback in my relations with the management of the network. ABS-CBN has been my home for the last five years and five months and it has given me the greatest gift—the opportunity to reach out to people who have so little in life.
In the process, I have come to realize that my gratitude to the network would be more meaningful if I considered the impact of my recent actions which has placed the station in a bad light. This is among the reasons, as I will explain in this letter, that I humbly request the management, to release me as a talent of the network.
It is no secret that the program "Wowowee," for almost five and a half years, has been the core of my existence. The program gives me a sense of purpose because I make people happy and I give them hope that, despite their difficulties, they can make things happen for themselves. Because of this, my world has revolved around the show. The desire to make it the best noontime show, has consumed my waking hours, as I conceptualize its format and contents from Monday to Saturday. Apart from this, I want the show to give the network excellent ratings to maintain its reputation as the leader in the broadcasting industry.
My devotion to the show is unparalleled that I have even been besieged by health problems due to the long hours I spend daily, thinking of how to bring "Wowowee" closer to the public. In fact, I have developed a heart blockage, which has already once posed a real threat to my life. I have sacrificed so much. Now, I have to accept the reality that I also have to take good care of my health.
Hence, it is very painful to hear every time my show is the target of unwanted and unnecessary tirades. I do not think that these people even have the slightest clue of what I go through to put together a show like "Wowowee"'. The show is not for me, but for those people who dream of a better life. Is it too much to ask that we be respected for what we do? Is it too much to ask that we be defended from such attacks?
My outburst last week during the live presentation of the show is nothing more than a reflection of my frustration over these things, and was not at all meant to disrespect the network and its management. I implore you to understand that several incidents, which were beyond my control which have marred the reputation of the show to some extent, have already taken their toll on me.
There was the "Wilyonaryo" incident wherein we were accused of deceiving contestants about their winnings; the Ultra stampede wherein I was blamed and severely criticized; the misunderstanding about my remarks when the coverage of the funeral of the late Pres. Corazon Aquino was unexpectedly shown in the giling-giling portion of "Wowowee"'s airing, for which I have apologized. In all these incidents, I took responsibility even if I was not at fault.
I do not want to cause any further embarrassment to the network. I know that all these have caused so much strain on our relations and I would like to save the situation by asking that I be released as a talent of the station. This way, I will have the much-needed space and time to contemplate on my direction in life and, at the same time, maintain the relationships I have built within the network, which are all worth preserving.
Before I end this letter, I would like to express my sincerest gratitude to all the important people I have had the good fortune to work with during the years I have been with ABS-CBN. Ma'am Charo, maraming salamat sa lahat ng pagkakataon na naibigay ninyo sa akin. Kayo po ang tinuturing kong ina na patuloy akong tinatanggap at minamahal sa kabila ng lahat ng aking kahinaan. Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan at lahat ng mga bagay na ginawa ninyo para sa akin.
Kay Mr. Gabby Lopez, maraming salamat po sa inyong pagtitiwala sa aking kakayanan na magbigay ng mahusay na programa. Kay Tita Cory Vidanes, maraming salamat sa pagiging maunawain ninyo sa akin. Kay Mr. Johnny Manahan, maraming salamat sa walang-sawang pag-suporta ninyo sa akin at sa "Wowowee," at lalong lalo na sa pagtayo ninyo bilang aking pangalawang ama. Kay Ms. Linggit Tan, Mr. Jay Montelibano at Mr. Edgar Mortiz, maraming salamat sa suporta at tulong ninyo na mapabuti and programang "Wowowee" para sa ikaliligaya ng mga natutulangan natin. Sa lahat ng bumubuo ng management ng ABS-CBN, maraming salamat sa tulong ninyo sa aking programa.
Higit sa lahat, sa lahat ng mga taong sumuporta at patulong na sumusuporta sa show na "Wowowee," maraming salamat at kayo ang nagbibigay sa akin ng lakas na gawin ang mga dapat kong gawin. Sana po ay maunawaan ninyo ang aking kahilingan sa sulat na ito. Ayaw ko na pong may masasaktan pa at gusto ko lang na maisaayos lahat. Taos-puso akong humihingi sa inyo ng tawad at lubos na pang-unawa sa lahat ng pinagdadaanan ko ngayon.
There will never be enough words to express my gratitude to all of you...
Salamat at mabuhay po kayong lahat!
Respectfully yours,
Willie B. Revillame
Unang nakita sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star.
Hindi totoo yan. Wag nyong gawing tanga ang mga bata. Nung bata ka, alam mo naman kung tama o mali ang ginagawa ng mga mas matanda, tapos gagayahin mo parin kahit mali dahil trip mo lang. Wag nga kayong nagpapauto sa bata. Salbahe yang mga batang yan.
Kaya ngayon mga bata, kayo naman.
Anak: Dad, bading po ako. Sana matanggap nyo ako.
Dad: Anak, last year pa namin alam yan. At tanggap na namin ng mommy mo na bading ka.
Anak: Pano nyo nalaman???
Dad: Well, una kaming kinutuban nung pinakilala mo yung girlfriend mong si David.
Naging ugali na ng Google na paglaruan ang logo sa page ng search engine nila (Kawawa ka naman kung hindi mo napapansin yon.) Kadalasang basis nila ang mga international occasions (Chistmas, New Year, Anniversary ng MgaEpal.com, Independence day, etc.) pero minsan ay random lang ang design. At dahil 30th anniversary ng PAC-MAN na isa sa pinaka iconic na video game sa buong history ng video games sa mundo, ang kasalukuyang logo ng Google ngayon ay isang PLAYABLE PAC-MAN game.
Kung gusto mong masabing naging parte ka ng historic tribute ng Google na 'to, maglaro ka na bago pa palitan ng Google ang logo na yan.
How to play:
1) Pumunta ka sa google search engine page. Dahil alamnaming tamad kayo, eto ang link. Pero mamaya mo na i-click, magbasa ka muna, mabuti nang nagkakaintindihan tayo.
2) Sa una ay mukang image lang ang logo. Mag-antay ka ng ilang seconds, wag kang adelantado. Gagalaw na yan maya-maya.
3) Kusang gagalaw paabante ang tao mo, depende kung saan sya nakaharap. Ang controls ay "up arrow" para paharapin sa taas, "down arrow" para paharapin sa baba... hindi na namin itutuloy alam mo na dapat kung pano ang pakaliwa at kanan.
4) Kung masyado kang bata para malaman kung pano laruin ang PAC-MAN, eto: Para makapuntos, daanan/kainin mo ang mga "dots". Iwasang madikitan ng mga nakakumot na "monsters" daw. Pwede mong kainin ang mga "monsters" tuwing nakakain ka ng mas malaking bilog na kumikislap. Mataas din ang puntos kapag nakain mo ang "monsters".
Meron kang 3 na buhay. Nasa gilid ang score mo.
Nilaro din namin yan para maki-history. Nakakuha kame ng 573 points dahil mejo magaling lang kami. Badtrip nga lang dahil may natirang isang "dot", tang*na talaga. Eto ang screen shot ng natapos na laro ng MgaEpal.com.
Kaya mo ba yan? Kaya mo bang makakuha ng score na mas mataas sa 573?
Enjoy sa laro, at good luck. Sana hindi umabot ng 573 ang score mo.
Eto ang ginawang teaser na para sa "LRT Dance Express".
Yan ang payo ni presidential spokesman Rogelio Peyuan kay Noynoy Aquino
Sinabi din nya ito...
“Dapat maganda ang sense of judgment nito kung saan dapat akayin ang kabuuan ng bansa. Ito’y magiging depende sa kanyang matatanaw pagdilat ng kanyang mata at depende rin sa amoy hininga ng makakausap niya,"
At dapat daw, ang mga mapipiling Cabinet mambers ay laging nakangiti at laging mabango.
Kaya daw nya pinapayo ito kay Noynoy ay dahil ang mga disisyon ng isang presidente ay maaaring nakadipende sa mga taong una nyang makikita sa umaga.
Kung basta-bastang bubuyog lang ang sumulpot sa palabas na yan, hindi kapansin-pansin, pero dahil Pilipino ang bubuyog na pasilip-silip sa background, syempre pinag-usapan ng lahat.
Jollibee on glee:
Kung sinadya man ng Jollibee ang placement na yan (Wala pang pormal na aminan na nagaganap), magaling ang naging diskarte ng Jollibee dito dahil napuna naman talaga. Sino ba namang Pilipino ang hindi makakakilala sa bubuyog na yan?
Trivia: Taga Ohio ang mga tao sa Glee, at ang mga store location ng Jollibee sa US ay sa California, Nevada, at New York lang.
(Niresearch lang namin yan. Hindi kami nanunuod ng Glee dahil hindi kami babae.)
Ayusin nyo nalang yan. Tingnan natin kung magiging maayos na Presidente si Noynoy. Tapos kapag nalihis ng daan, o nademonyo si Noynoy ng iba para mangurakot, dun natin ilabas yang issue na yan.
Sa ngayon, sa KASALUKUYAN, wala namang magagawang buti kung palalakihin yan.
Yung "Hello Garci" scandal ay nilabas dahil madami na ang reklamo sa Pagkapangulo ni Gloria. Ngayon, kung nilabas yan nung nakamaskarang "lalake", at alam nyang hindi naman mapapabuti ang sitwasyon, bagkos (naks bagkos, lalim nun.) makakagulo pa, ibig sabihin lang ay nanggugulo nga sya. Ang galing talaga naming maghimay.
Isang whistle-blower ang lumantad na nagsasabing isa sya sa may pakana ng malawakang pandaraya na nangyare. Ayon sa lalakeng may medyas sa muka, napagdisisyunan nya na lumantad dahil nakonsensya DAW sya.
MgaEpal.com Conspiracy Theory:
Nanggugulo lang yan. May nagpapakana ng isang national level na kaguluhan para hindi matuloy ang mapayapang transition ng leadership sa mga nanalo sa 2010 election.
Reaksyon:
WAG TAYONG PAPAYAG NA MAGULO ANG PAGBABAGO. WAG TAYO MAKISALI SA GULO NA MAGIGING DAHILAN NG PANANATILI NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON. Mejo malalim 'no? Pero seryosong bagay talaga 'to at kinatatakutan talaga namin na pautot lang ito ng mga taong ayaw matuloy ang pagbabago.
Sa tancha namin, sinasabi lang ng lalakeng nakabonnet ang muka, na madaming nadaya sa iba't ibang lalawigan at munisipalidad para mag-away ang mga politiko na uto-uto, at tuluyang magkagulo. WALA KAMING KINAKAMPIHAN NA KANDIDATO NG 2010 ELECTION, pero nakikiusap kami na wag kayong maniniwala sa bullshit ng lalakeng may pasa sa ilong ang maskara, dahil sa tingin namin ay galamay lang sya ng mga gustong mangurakot ng mas malaki.
Ipagkalat nyo ang mensahe na 'to sa mga tatay nyo na hindi na natutong mag-internet. Sila na ang magkukwento nyan sa barbero nila, at ang mga barbero na ang bahalang magkalat ng mensaheng 'to sa mga tambay.
Eto ang apat na highlight videos:
Kung katabi mo ang asawa mo habang binabasa mo 'to, pigilin mo munang ngumiti.
Ito ang ilan sa pahayag nya:
“For the Comelec, this moment stands as a shining vindication of everything we have fought for, from the Halls of Congress to the rough and tumble world of public opinion,”
“We have triumphantly cast-off the conventional wisdom that ordinary Filipinos will find it difficult to transition from the fully manual mode of voting; and we have over-turned the dire conviction of some that we simply cannot do this,”
Madami ang hindi nakaboto dahil sa BAGAL ng pag-usad ng botohan. Madami ang nasira na voting machine na natagalan sobra palitan. May mga batang 15 years old pa lang 'e nakapagrehistro para bomoto. Tapos sasabihin ni Mr. Jose Melo na maayos ang naging eleksyon ngayong 2010 dito sa Pilipinas? Mr. Melo, saang Pilipinas ba yang sinasabi mo? Baka pwede mo naman kaming isama minsan jan.
Wag kayong makisali sa tagumpay naming mga botante na nakaboto ng mga bobotohin noong botohan, sa pagkat sa amin ang tagumpay na yan. Sana sa susunod, magbantay kayo at magkaroon kayo ng smooth na sistema.
Ginawa namin ang DAPAT NAMING GAWIN. Gawin nyo ang DAPAT NYONG GAWIN. May anim na taon pa naman bago natin malaman kung aapiran kayo ng bayan, o sasaluduhan ng hinlalatok. Good luck.
Issue hugot dito
Kung gusto mong makuha ang no. 1 spot sa ranking ng mga boksingero, siraan mo din ang pinaka malapit na kalaban mo sa ranking at pagbintangan mo syang gumagamit ng performance enhancing drugs. Tapos labanan mo ang isang boksingero na dati ay iniiwasan mo pero nung mas tumanda at bumagal na ito 'e pumayag ka nang labanann sya. At ang huling bagay na dapat mong gawin ay kumuha ng pannel of judges na maniniwala sa mga bullshit mo.
Bumili ng soft drinks si "Bunso" sa isang sari-sari store. Tumambay muna at nagyosi. May dumating na ngongo, bibili din ng soft drinks. Ito ang nasaksihan ni "Bunso".
Ngongo: Mamili nan RC (Cola).
Bantay sa sari-sari store: Ng ano?
Ngongo: RC.
Bantay sa sari-sari store: Ay wala na akong RC...
Ngongo: Ahh RC nalang.
Bantay sa sari-sari store: Ha?
Ngongo: RC...
Bantay sa sari-sari store: Hindi wala na ngang RC...
Ngongo: RC... RC nalang. (sabay turo sa isang bote)
Bantay sa sari-sari store: Ahhhh Sarsi.
Umalis agad si bunso kahit hindi pa ubos ang iniinom nya dahil natakot syang baka lumabas pa sa ilong nya ang soft drinks.
Kasama si Pia Cayetano at ang mga anak nya sa mga na-tear gas. Gusto ni Pia Cayetano na maging mas malalim ang imbistigasyon tungkol sa nangyaring accidental DAW na tear gassing dahil mukang malabo naman daw kase na sariling security nila ang hindi sinasadyang mabunutan ng pin. At sa ilang minuto lang ay nakahanda na daw ang kwento ng pinagmulan ng tear gas kaya mukang pre-meditated ata ang tingin ni Pia Cayetano sa naganap noong araw na yon.
Dear kuya Chico,
Ako si Ronaldo. Hindi ko alam kung baket, pero dahil lahat ng sumusulat sayo ay nagpapatago sa ibang pangalan, itago mo nalang din ako sa pangalang Ronaldolicious. Isa akong club promoter sa isang super-duper-ultra-mega-califragilistic club dito sa Ortigas. Kokonti lang ang nadadala ko sa club na mga wild-wild party goers. Hindi ko alam kung masyado ba akong intimidating kaya hindi nila nagugustuhan ang invites ko. Sinubukan ko na nga maging mild mannered na tao para hindi naman sila ma-star struck sa presence ko, pero mukang masyado akong the main man in the place to be, kaya nahihiya sila. Iniisip siguro nila hindi sila karapat-dapat na makasama ko. Ang sad 'no? Kaya eto ako ngayon Kuya Chico, sumusulat sayo dahil alam kong madaming nakakabasa ng mga liham sayo, at madami sigurong maiinvited sa event ko. At kahit mukang hindi ka sosyal at maski na hindi ka din karapat-dapat na makasama ko, ay iniimbita kita sa event ko. Basta wag ka lang masyadong magdididikit sakin dahil baka maturn off ang mga may hidden desire sakin. Sana ay matulungan mo akong magpromote ng event na inorganize ko na may title na "Beauty and the Handsomes", at promise ko na libre na ang entrance free mo. Alam kong hindi ka makapaniwala na sumulat ang isang katulad kong cool guys, sa isang katulad mong hindi cool guys. At alam kong winiwish mo na sana ay hindi na matapos ang sulat ko na 'to dahil sobrang cool ko na super clubber, pero pasensya ka na dahil mamimitas pa ako ng santol.
Mejo gumagalang,
Ronaldolicious
Ito na siguro ang MEDYO-PINAKA totoo sa magiging interview kay WIllie Revillame dahil wala sya saloob ng "pader" ng ABS-CBN at wala sya sa "cross-hair" ng GMA. Sa interview na 'to, 'e mejo magaan ang aura. Kahit siguro ang mga ayaw kay Willie Revillame ay MEJO gagaan ang loob sakanya ng KONTI dahil dito sa interview na 'to. At dahil sa clip na 'to, meron napansin ang MgaEpal.com na may kinalaman sa Hosting, Eat Bulaga (GMA), Wowowee (ABS-CBN), at sa reaksyon ng mga tao kay Willie Revillame. Kung ano ang napansin namin? Abangan.
Epal: Hello...
Mas Epal: 'O bat napatawag ka?
Epal: Nandito ako sa prisinto...
Mas Epal: Anong ginagawa mo jan?
Epal: Kinulong ako... pyansahan mo naman ako, sige na.
Mas Epal: Ha?! Ano na naman nangyare???
Epal: Niyaya kasi ako mag-inuman nung mga kapitbahay natin, may birthday kasi.
Mas Epal: Nalasing ka na naman! Nakulong ka pa ngayon!
Epal: 'E hindi ko napansin na napapadami na pala ang inom ko kagabi. Sige na pyansahan mo na muna ako.
Mas Epal: Wala naman masama mapadami ang inom, kaso pag nalalasing ka ang gulo mo 'e!
Epal: Oo nga, ilabas mo na ako, ayoko dito.
Mas Epal: Diba sabi ko sayo pag nalalasing ka, WALA kang gagawin! WALA... kang... gagawin. Mahirap bang intindihin yon?!
Epal: Oo alam ko. Pag lasing ako, WALA... akong... gagawin.
Mas Epal: 'E ano yang ginawa mo?!
Epal: Edi nag-WALA, hehe...
Mas Epal: 'O gago ka maghanap ka ng magpapyansa sayo ulul...
Epal: Hindi na joke lang... Hello?... Anjan ka pa ba?... Hello!... Huy! Hello!
One: "O", "N", "E"
Two: "T", "W", "O"
Three: "T", "H", "R", "E", "E"
Ano? Iisa-isahin mo pa ba yan? Maniwala ka nalang.
Arnold: Knock knock
Nico: Who's there?
Arnold: Kuya mo...
Nico: Kuya mo who?
Arnold: Hoy tigilan moko ha, gabi-gabi mo nalang ginagawa 'to, gago ka buksan mo 'tong pinto!
Pagkatapos magtirahan ni Willie Revillame at Jobert Sucaldito, nagbigay ng ultimatum si Willie na kapag hindi sinibak ng ABS-CBN si Jobert, hindi na daw sya papasok sa Wowowee (related post dito) At dahil nga nanindigan ang pamunuan ng ABS-CBN na hindi sisantehin si "Mr. Sucaldito" hindi na pumasok si Willie sa Wowowee. Pero ang sabi DAW ng mga staff ng show ay indefinite leave lang DAW ito.
Ito ang iniwan namin para sa mga pakialamerong walang magawa mula May 8 hanggang May 14 :
At matapos makialam ang 480 na tao, eto ang resulta ng survey :
Ayon sa survey na 'to, may 15% pa naman ng Pilipino (on average) na gustong makita si WIllie Revillame ulit. At dahil sa survey na 'to, nalaman namin na tamad kayong bomoto dahil sa libo-libong nagbabasa dito, 480 lang ang nakialam. Ang damot nyo pala sa "click".
Ang survey na 'to ay ginawa hanggang May 14 lang. Lampas na ng May 14 diba? Pwes tapos na yan, sa susunod na survey ka nalang makialam.
Kaya nahihirapan maghanap ang mga babae ng lalakeng smart, sweet, and sensitive... dahil ang mga lalakeng ganon ay may BOYFRIEND na.
"Ang totoong lalake gago... hindi gaga." -MgaEpal.com
Leo: Mommy, akala ko ba bibilihan moko ng Nurf. Asan na???
Mommy: Sinabi kong bibilihan kita ng Nurf nung hindi ka pa nagpapabili ng basketball ring. Tama na yun.
Leo: Baket?
Mommy: 'E syempre isa lang dapat.
Leo: Baket?
Mommy: 'E kasi ayaw kong maspoiled ka...
Leo: Baket?
Mommy: Kasi ayaw kong masanay ka ng ganun!
Leo: Baket?
Mommy: Dahil hindi lahat ng bagay sa mundo pwede mong makuha!
Leo: Baket???
Mommy: 'O baket? Kapag nakuha mo LAHAT ng bagay sa mundo, san mo ilalagay yon??? Ano natahimik ka 'no? Wala ka pala 'e...
Marami tao ang natututo dito sa MgaEpal.com... hindi namin sinasabing laging mabuti ang natututunan, pero meron kang matututunan. Ugali naming magmarunong... dahil magaling kami... kahit nakainom. Pero paminsan-minsan meron talagang mga bagay na kahit kami, hindi namin mahanapan ng sagot. Merong 365 na araw sa loob ng isang taon. Para sa mga may balak magpatawa at magsabi ng "e pano pag leap year?"... 366 days pag leap year gago! Sa 365/366 days na yan, mga 223 na araw jan ay pumapasok ang mga studyante at Sabado, Linggo lang ang pahinga pero may dalawang buwan na bakasyon. Kung nagtatrabaho ka naman, mga 279 na araw kang pumapasok sa loob ng isang taon dahil bukod sa Sabado, Linggo na walang pasok, meron ka lang 14 na araw para sa holiday at holy week vacation.
Nagpapakahirap kang mag-aral ng 223 na araw para makahanap ng trabaho, at nagpapakakuba ka magtrabaho sa loob ng 279 na araw para kumita ng pera at makabayad ng koryente, tubig, at upa sa bahay. Pero baket may mga taong nag-aaksaya ng panahon para mag-camping tuwing bakasyon? Masaya bang maglakad ng pagkahaba-haba? Enjoy bang magpasunog sa araw? Masarap bang makagat ng mga dragon lamok na napapatay lang ng dragon katol na dragon kung umusowk lamowk sigowradowng teypowk? Muka bang enjoy maging homeless?
Kayong mga mahilig mag-camping, ibigay nyo nalang ang bahay at ari-arian nyo sa mga yagit, at kayo ang mag-camping sa kalsada habangbuhay.
Double pakyu with cheese sa mga taong nagsasabi nyan. Tuwing nagkakamali sa pagsasalita, "Sorry, tao lang.". Tuwing nagkakamali sa simpleng bagay, "Sorry, tao lang.". Utang na loob, hindi nakakatawa. Oo nga, tao ka lang at nagkakamali. Pero kung tuwing sa LAHAT ng kabobohan mo, yan ang patawang hirit mo, gago ka. Ang mga tao ang binigyan ng pinaka mataas na pagiintindi, at ang mga tao ang binigyan ng pinaka malawak na sense of reason.Kung aso ka at tinitira mo ang hita ng amo mo dahil nag-iinit ka, pwede mo sabihin ang "Sorry, hayop lang." Kung pusa ka at kinain mo ang ulam ng mga tao sa bahay, "Sorry, hayop lang.". Kung baboy ka at nangungurakot ka sa gobyerno, "Sorry, hayop lang.". Kung kalabaw ka at nanuwag ka ng magsasaka, pwede mo din sabihin ang "Sorry, hayop lang.". Pero kung tao ka, tigilan mo na ang nuknukan ng korning hirit na "Sorry, tao lang." dahil nahihirapan nang tumawa ng peke ang mga kakilala mo tuwing ihihirit mo yan.
hindi lawlaw na dede ni Sharon Stone click dito
Para sa mga natalo: Sucks to be you. Iyak ka nalang.
Para sa lahat ng kumandidato: Simulan nyo nang maglinis ng mga dinikit at mga sinabit na muka nyo sa kalsada!