Walang bobong bata!
By mgaepals on 09:02
Filed Under:
Para sa mga batang aksidenteng nakatuklas ng site na 'to, intindihin nyo mabuti ito. Kapag bagsak ang grade sa school, o kaya mababa ang score sa exams, madalas nyong marinig sa mga teachers nyo at magulang ang "Walang bobong bata." at kadalasan ay may karugtong na "...tamad ka lang." Pwedeng tamad ka nga talaga, pwede ding hindi, pero ang mga katagang "Walang bobong bata." ay pulidong-pulido at sagad na sagad sa katotohanan.
Walang bobong bata, pero may bobong nagtuturo. Napansin nyo ba na hindi teacher ang ginamit naming salita? Ito ay dahil sa ang pagtuturo ay gawain din ng mga taong gabay sa bahay. May mga tao sa bahay at eskwelahan na basta mabanggit lang ang lesson, ipinauubaya na sa mga estudyante ang pag-intindi nito. Kung mali ang pagkakaintindi ng bata dahil hindi hinimay ng nagtuturo ang lesson at mukang inulit lang ang mga sinabi sa libro, hindi talaga matututo ang bata.
Kadalasan, kaya hindi natututo ang bata, ay dahil hindi sya nakikinig.
Ang mga hakbang para matuto ay...
- Makinig.
- Intindihin ang narinig.
- Magtanong o tingnan sa dictionary kung may salita na hindi mo naintindihan.
"Walang bobong bata, hindi ka lang nakikinig gago."
Pero minsan, kahit makinig ang bata, hindi parin sya matututo kung ang nagtuturo ang hindi nakikinig- Hindi nakikinig sa mga tanong ng estudyante. Hindi nakikinig kaya hindi naririnig kung nagdadaldalan lang ang mga tinuturuan nya. Hindi nakikinig sa kutob nya na halos kalahati ng klase nya ay hindi naintindihan ang tinuro nya, dahil wala syang pakialam..
Ang utak ng bata ay parang kaha de yero na may patibong. Hindi mo ito malalagyan, kung hindi mo alam ang tamang kombinasyon, at pwede namang ikapahamak ng bata kung sakaling sapilitan nyang ilabas ang nilalaman sa maling paraan at pagkakataon.
Makinig.
Kung hindi mo naiintindihan, magtanong.
Kung hindi mo parin naiintindihan, baka may mga past lessons ka na kailangan mo munang maintindihan para maintindihan mo ang bagong lesson. Magpaturo sa teacher ng past lessons.
Makinig.
Magbasa.
Manuod ng educational channels.
Makinig.
Laging magdala ng pocket dictionary sa bulsa.
Makinig.
Makinig.
0 comments for this post