Wala na nga talagang kinahantungan ang negotiations para sa Pacquiao-Mayweather fight.
By mgaepals on 09:03
Filed Under:
Sa November 13, si Antonio Margarito ang makakalaban ni Manny para sa pang-walong division tittle ni "Congressman Pacquiao" kung nagkataon. Second choice lang si Margarito para makalaban ni Pacquiao pero may malaking potensyal na maging exiting ang suntukan. Matagal-tagal na ding hindi nakakaharap si Manny ng palaban na boksingero. Ang huling dalawang kasuntukan ni "Congressman Kamao" laban kay Cotto at Clottey ay naging offense vs. defense kung saan mukang nagtraining lang si Cotto at Clottey sa pagsalag ng suntok. Kung magiging totoo si Antonio Margarito sa sariling boxing style nya, baka makakita tayo ng matinding basagan ng muka. Kilala si Margarito na offensive fighter, pero baka dahil mas malakas ang loob nya noon umatake nung bago sya mahulihan ng plaster sa gloves (Ang plaster ay nagsisilbing viagra para sa gloves. Nagpapatigas.)
Kutob namin na ang susunod na laban ni Pacquiao ay magiging timbangan ni Mayweather sa pagdidisisyon kung papalagan nya ba ang hamon para labanan si Manny. Hamon na hindi na lang nanggagaling sa kampo ni Pacquiao. Hamon na hindi na lang nanggagaling sa mga Pilipino. Kundi hamon na sinisigaw na ng buong mundo. Pero sa November 13, 2010, balik Meksikano muna tayo.
0 comments for this post