Kinailangan namin ng halos dalawang araw para mahimay ang unang SONA (State Of the Nation Address) ni Pres. Noynoy Aquino. Kung titingnan ng buo, isang success ang unang SONA nya. Hindi ito naging puro pangako. Nagkaroon ng pagbatikos sa mga kahinahinalang mga activity ng ibang government officials at agencies. At naparating sa taong bayan ang mensahe ng maayos dahil tagalog ang salita.
Kung may ginawa kang iba sa mga oras nung SONA, o nakalimutan mo na may SONA, o wala kang TV, eto, magtiyaga ka sa Youtube videos.

Sa umpisa ng SONA ni Pres Noynoy (Kahit kailan hindi namin tatawagin na "PNoy" si Noynoy dahil baduy.) naging monotone ang pagsasalita nya. Kulang sa emosyon at parang walang period at comma ang binabasa nya sa teleprompter. Tuloy-tuloy ang pagsasalita na parang isang mahabang mahabang mahabang mahabang sentence ang sinasabi nya. Pero dala na din siguro ito ng kaba. Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na ang "intro" nya. Kitang nakabuwelo na ng maayos si Noynoy. Bumaba ng gear ang pagsasalita nya at nagkaron na ng intonation. Mas galing na sa kanya ang emosyon at mas makahulugan na.
Binanggit ni Noynoy ang mga issue ng "anomaliya" sa ilang mga sangay ng pamahalaan at kung ng paraan ng pagpapatakbo nito. Ang resulta ngayon, ay nagreact ang mga taong involved sa mga nabanggit na issues at naging defensive. May mga nagdeny at may mga nagpasa ng responsibilidad sa mga pagkakamali na naungkat. Ang ibang government agency na binatikos ay nagturo ng ibang sangay ng pamahalaan para sisihin.
Sinasabi ng iba na hindi mabuti ang magiging epekto ng ganitong pagbabatikos dahil mag-aaway ang mga government agency. Sa tingin namin, mas mabuti pa ngang mag-away sila para sila mismo ang magbantayan sa pangungurakot. Mas madali mangurakot kung magkakakonchaba ang mga government agency, kaya kung sila ang magsisisihan, hindi sila MASYADONG magnanakaw dahil isusumbong sila nung ibang agency. Kuha mo? Imbis na taong bayan lang ang nagbabantay, mas magiging mapanuri ang mga government agency laban sa katiwalian ng ibang agency para hindi sila ang sisihin kapag may anomaliya. Tama na, dapat naintindihan mo na yon dahil masyado nang redundant.
Nasabi namin na success ang unang SONA ni Noynoy dahil...

- Hindi sya nasupalpal ng taong bayan.
- Karamihan ng may angal ay gumagawa ngayon ng hakbang para malinis ang sistema ng government agency na kanilang kinabibilangan.
- Napanatili o napalakas ang tiwala ng taong bayan kay Noynoy.
- Bagong gupit at maayos ang buhok ni Noynoy ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post