Epal: Kaya pala hindi kita makita, nagtatago ka dito sa usok ng barbeque-han ha. Libre ka naman.
Mas Epal: Wala. Sakto lang 'to para saken.
Epal: Ilan ba binli mo?
Mas Epal: Anim.
Epal: Andamot mo naman! Anim sayo lang? Hindi mo man lang ako malibre ng isa?!
Mas Epal: Gutom ako 'e. Hindi pa kasi ako naghahapunan.
Epal: Malamang! 3 palang ng hapon e'!
Mas Epal: Sa susunod na kita libre...
Epal: Eto... pag umaalis tayo sagot ko pang-gas ng kotse, nililibre pa kita minsan ng miryenda tapos isang barbeque lang hindi mo ako mapagbigyan? Sige ganito nalang, pag nasagot mo ng tama etong mga tanong ko hindi nako papalibre.
Mas Epal: Anong klaseng tanong?
Epal: Basta madali lang. Walang kinalaman sa history, math, at science.
Mas Epal: Ok, game. Ilang tanong ba?
Epal: Teka, pero pag may maling sagot ka, sakin na yung isang barbeque mo. Apat na tanong lang.
Mas Epal: Basta pag mahirap yung tan0ng, hindi counted yun ha.
Epal: Oo, sige. Ok game na... Ano ang tawag sa karneng nakatuhog?
Mas Epal: Edi barbeque.
Epal: O' may isang tama ka na. Sabi sayo madali lang diba. Second question... Ano ang tawag sa kamoteng nakatuhog?
Mas Epal: Edi kamoteque.
Epal: Ah alam mo pala yung kamotecue ha. Ok, dalawang tanong nalang... Ano ang tawag sa saging na nakatuhog?
Mas Epal: Edi bananaque.
Epal: Sige, last question... Ano naman ang tawag sa kabayong nakatuhog?
Mas Epal: Edi... horseque?
Epal: Gago, merry-go-round. Sige uwi nako, Salamat dito sa barbecue ha. Next time ulit.
Mas Epal: Fuckcue...
0 comments for this post