Book smarts vs. Street smarts
By mgaepals on 09:03
Filed Under:
May mga tao na umuunlad ang kabuhayan sa pamamagitan ng pag-gamit ng kanilang kaalaman na hango sa mga libro. Nandjan ang mga "professionals" (Doktor, lawyer, nurses, teachers, etc.) na malaki ang nagiging impact ng kanilang natutunan sa libro sa kanilang napiling karera. Kadalasang book smarts ang mga taong 'to mula nung estudyante pa lang sila hanggang sa kasalukuyan. Pero may mga tao din na hindi gaano kahusay academically o hindi masyado umasa sa mga libro pero napaangat ang estado ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pag-gamit sa mga bagay na iprinisinta sakanya ng pagkakataon. Ang mga taong ito ay madiskarte at magaling mag-manipulate ng sitwasyon para sa kanilang pag-unlad.
Para mas maging malinaw ang paghimay natin sa book smarts at street smarts gumamit tayo ng isang halimbawa...
Si President Noynoy Aquino ay book smart dahil pinag-aralan nya ang batas na aprubado at naisulat sa constitution. Sa tulong ng kanyang mga advisers, naipiprisinta sakanya ang mga bagay na kailangan nyang basahin at intindihin para maging karapat-dapat sya sa sini-sweldo nyang 95,000 pesos a month. Si Gloria Macapagal Arroyo naman ay street smart, dahil kahit 57,750 pesos lang ang sweldo nya nuon bilang presidente, kumamig naman sya ng milyon-milyon na "incentives" gamit ang "diskarte".
0 comments for this post