Napansin mo ba na kadalasan, ang middle child (gitna sa magkakapatid) ay ang nagiging sakit sa ulo ng mga magulang? Hindi naman lagi, pero kadalasan. Sa apat na authors ng MgaEpal.com, tatlo ang middle child. Si "Boss Chip", "Kulturantado", at "Manong Guard" ay nagkataong pare-parehong gitna sa tatlong magkakapatid at nagpapatunay sa theory ng "Middle child syndrome".
Ang middle child syndrome ay nangyayari sa mga middle child syempre (Pangalawa sa tatlo. Pangatlo sa lima. Pang-apat sa pito... kuha mo na?) Nagkakaron ng konting "identity crisis" ang mga middle child dahil sinasabihan sila na maging mabuting "follower" at gayahin ang mga mabuting bagay na ginagawa ng ate o kuya nya, pero sinasabihan din sya na maging mabuting "leader" at maging mabuting example sa nakababatang kapatid. Kapag nag-aaway naman, sasabihan sila na "Wag kang lalaban sa ate/kuya mo, mas matanda sya sayo." pero sasabihan din ng "Wag mong papatulan ang kapatid mo, mas bata sya sayo kaya intindihin mo.) Dahil dito, mas nagiging mapusok at nagkakaron ng "Bahala na mentality" ang mga middle child sa kagustuhan na gumawa ng sariling identity. Pero kahit na madalas maging sakit ng ulo / "black sheep" ang mga middle child, may positibong epekto din ito sa kanilang character building.
Kadalasan mas magaling umunawa ang mga middle child dahil natututo silang makisama sa mas matanda at mas bata sakanila. Mas natututo ng ibang bagay ang mga middle child dahil nga mas madami silang sinusubukang magawa. Mas understanding ang mga middle child dahil alam nya kung pano maging "follower" at "leader". At higit sa lahat, kadalasan, sobrang talino at madiskarte ng mga middle child dahil middle child si "Boss Chip", "Kulturantado", at "Manong Guard" (Si "Bunso" umaapila. Middle child nalang din daw sya.)
Ironic Trivia: Ang author ng MgaEpal.com na nakilala nyo bilang si "Bunso" ay panganay sa kanilang pamilya.
0 comments for this post