"Credit Limit"
By mgaepals on 09:03
Filed Under:
Kadalasan, ang unang pinasasalamatan ng mga nananalo ay si Lord...
"Unang-una, gusto ko pong pasalamatan ang Diyos, dahil kung wala sya, hindi ito mangyayare."
"I would like to thank God for this win!"
"Bago ang lahat, gusto ko po muna magpasalamat kay Lord."
"1st of all, thank you God for blessing me with the win."
Naisip ba nila na MINSAN, baka ayaw madamay ni God sa panalo nila??? Gugustuhin bang mapasalamatan ni Lord ng isang "actor" na nanalo ng award dahil lang mas sikat sya sa ibang nanominate? Gugustuhin bang mapasalamatan ni Lord ng mga singer na nananalo ng award galing sa sariling "recording company" nila? Gugustuhin bang mabanggit ni Lord sa pasasalamat ng Beauty Contest winner na nanalo dahil paramihan ng mabentang ticket ang labanan?
Kung magpapasalamat ka kay Lord sa panalong kaduda-duda, linawin mo lang.
Kung magpapasalamat ka kay Lord sa panalong kaduda-duda, linawin mo lang.
"Thank you Lord dahil hindi sikat ang ibang nominees, kahit mas magaling silang umarte. Salamat po Lord dahil bobo ang judges."
"Lord, thanks for making me a recording artist in a recording company that gives out awards to their own talents. Salamat Lord sa mga walang kwentang awards na ganito."
"I would like to thank, 1st of all, God. Salamat sa Diyos dahil mas madami kaming kakilalang mayaman na bumili ng ticket para manalo ako dito sa "beauty contest" na ito."

Kung ang award mo ay galing sa palakasan ng koneksyon na may mga huradong alanganin humusga, o sa labanan na kayamanan at kasikatan ang magdidikta ng resulta, wag mo nang idamay si Lord.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post