Kadena

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Sa araw-araw na naki-friendster, naki-facebook, naki-email, o naki-textmate ka, malabong hindi ka pa nakatanggap ng chain letter. Ito yung mga messages na may kasamang, compelling na kwento, o sulat na naguutos sayo na gumawa ng kung anu-anong bagay (mag-orasyon, banggitin ang isang salita ng paulit-ulit, o magdasal) para swertehin ka DAW. Kadalasan, sa dulo ng mga messages na 'to, uutusan ka na i-send ang message na yun sa ibang tao. Madami ang nauuto sa kagaguhan ng chain letters dahil madami ang may gustong swertehin, at kadalasan ang mga chain letters ay may banta sa dulo na kapag hindi mo daw ito i-send sa ibang tao, mamalasin ka.

Kami sa MgaEpal.com ay hindi naniniwala sa kabobohang chain letters, pero kung trip mong magpauto sa isang basura sa inbox mo, ikaw ang bahala, kanya-kanyang trip yan. Madali din naman kaming maapektohan ng mga banta na hango sa superstitions o kahit nga walang basehan, kaya sa umpisa pa lang, kapag may kutob kaming chain letter ang isang message, naging ugali na naming wag tapusin ang pagbabasa sa sulat. Pero sabi nga namin, kanya-kanyang trip yan, kaya pagtitripan na din namin ang mga naniniwala sa chain letters...

I-send mo itong message na 'to sa isang uto-uto na kakilala mo at kumain ka ng 7 na fishball, tapos humiling ka ng kahit ano. Matutupad ang wish mo. Kapag hindi mo ito ginawa, magkakaron ka ng sumpa at ikaw ay magiging emo.

0 comments for this post

Post a Comment