Alamat ng Ketchup
By mgaepals on 09:02
Filed Under:
Nung unang panahon, may isang kaharian sa ilalim ng Mayon volcano. Naninirahan dito ng tahimik ang mga taong putik. Ang kanilang hari ay si Haring Tambayesi at ang kanila namang reyna ay si Reyna Urbakuha. Isang araw, sumama ang pakiramdam ni Haring Tambayesi at pinatawag nya ang kanyang dalawang anak na si Prinsipe Apanigohay at Prinsipe Kevin. Kinausap ni Haring Tambayesi ang dalawang anak.
"Mga anak, panahon na para isa sainyo ang tumayo bilang bagong hari ng mga taong putik. Matanda na ako at mukang kailangan ko nang ipasa ang trono. Para malaman natin kung sino ang karapatdapat na maging bagong hari, kayo ay sasailalim sa isang pagsubok. Tinatanggap nyo ba ang hamon?"
Sumagot si Prinsipe Apanigohay
"Opo mahal na amang hari, buong loob kong tinatanggap ang pagsubok."
At sumagot din si Prinsipe Kevin.
"Sure."
Naglabas si Haring Tambayesi ng isang itim na perlas mula sa kanyang wallet. Hinawakan nya ito at nilagay ang dalawang kamay sa likod nya.
"Kung sino ang makahula kung nasan ang perlas, yun ang magiging bagong hari."
Sinenyasan ni Haring Tambayesi si Prinsipe Apanigohay para maunang pumili. Pumili si Prinsipe Apanigohay.
"Nasa kaliwang kamay po ang perlas Ama."
At pumili din si Prinsipe Kevin.
"Pinili na nya yung kaliwa, malamang sa kanan ako."
Nilagay ni Haring Tambayesi ang mga kamay nya sa harap nya at sabay itong binuksan. Tumingin sya kay Prinsipe Kevin at nagsabi ng "Ikaw na ngayon si Haring Kevin. Ang bagong hari ng mga taong putik."
Nagsaya ang buong kaharian at nagpaluto si Reyna Urbakuha ng inihaw na unicorn para pagsaluhan ng lahat.
Habang kumakain, gustong gumawa ng sawsawan ni Haring Kevin dahil mejo matabang ang timpla ng unicorn. Pinaabot ni Haring Kevin kay Prinsipe Apanigohay ang garapon ng toyo. Mejo may tampo sa mata ni Prinsipe Apanigohay dahil hindi sya ang naging bagong hari, pero inabot parin nya ang garapon ng toyo sa kanyang kapatid. Nakangisi si Prinsipe Apanigohay habang inaabot sa kapatid ang garapon. Halata sa mga tingin nito na may maitim syang layunin.
Nagulat si Haring Kevin nang ibuhos nya ang laman ng garapon sa kanyang ulam.
"Gago ka ketchup 'to 'e!"
The End.
0 comments for this post