Madalas na panandaliang aliw ng mga Pilipino ngayon ang larong "Pinoy Henyo", na pinauso ng Eat Bulaga. Ilang beses na namin nakitang nilalaro ito kung saan-saan. May pagkakataon na nasaksihan ni "Kulturantado" na nilalaro ito ng mga barbero habang nagpapagupit sya. Nakita na din ni "Boss Chip na nilalaro ito ng isang grupo ng estudyante na nasa mall habang naglalakad.
Ang apat na authors ng MgaEpal.com ay madalas din maglaro ng "Pinoy Henyo". Bukod sa masarapna pangpalipas oras, nakakahasa din ng logical at strategical thinking ang larong ito.
Isang madaling araw, habang nakikipag-inuman si "Boss Chip" at nakikipaglaro ng "Pinoy Henyo" pinahulaan sakanya ang salitang "Buko Salad". Nahulaan nya na pagkain ito. Nahulaan nya na matamis, malamig, at dessert ito. Pero hindi nya nahulaan ang salita at naubos ang dalawang minuto. Tiningnan nya ang salitang nakasulat at mejo napakunot ang nuo nya.
"Hindi naman prutas 'to 'e!"
Nung tinanong ni "Boss Chip" kung "prutas ba to?", sinagot sya ng "Oo." dahil kadalasan naman talaga ay prutas ang tingin ng tao sa buko. Hindi naman nagreklamo si "Boss Chip" pero nung nagkita-kita ang mga authors ng MgaEpal.com naitanong nya, "Diba nut, yung buko?... Kaya cocoNUT." Hindi din sigurado ang ibang authors dahil hindi nila alamkung seryoso si "Boss Chip" nang-gagago lang. Simpleng bagay na nakakaintriga.
Kinunsulta si Google...
Ayon sa mga pilosopo na tulad ni "Boss Chip", nut ito dahil "coconut".
Ang sabi naman sa kanta ng Smokey Mountain:
Pero ang scientific at tumpak na kasagutan ay SEED. Ang buko ay isang seed, pero tanggap parin na tawagin itong fruit... pero hindi talaga nut.The coconut nut is a giant nut
If you eat too much, you get very fat
Now, the coconut nut is a big, big nut
But its delicious nut is not a nutIt’s the coco fruit (it’s the coco fruit)
Of the coco tree (of the coco tree)
From the coco palm family
0 comments for this post