Pangmulat-mata sa mga lalakeng nagiging overtime-bihag ng panliligaw.

By mgaepals on 09:03

Filed Under:

Isa sa heritage nating mga Pilipino ang ligawan. Parte na 'to ng kultura na hindi gawain ng ibang bansa. Talagang iba ang kahulugan ng "courting stage" sa ibang bansa. Dito sa atin, parte ng ligawan ang panunuyo, pagdalaw sa bahay, pangbobola, at pagbibigay ng regalo. Sa ibang bansa, ang courting ay simpleng "getting to know each other phase".

Ang pinagkapareho lang siguro ng "courting" natin at ng ibang bansa ay ang pakiramdaman, pero dun na nagtatapos ang pagkakapareho. Sa ibang bansa ang dating stage, courting stage, at "getting to know each other stage" ay halos parepareho lang. Pagkatapos nito ay "going steady" o kaya "go our separate ways" na. Samantalang dito sa Pilipinas, mas matagal ang proseso dahil ang ligawan ay may average na 2 months. Hindi naman gaano katagalan ang 2 months kung tutuusin kaso dahil sa mahilig ang mga Pilipino sa bolahan at pakiramdaman, bago pa umabot sa ligawan nagkakaron ng average na tatlong buwan na puro paramdam lang. Walang nagsasabi na gusto nila ang isa't-isa. Minsan, aabutin ng ilang buwan sa pagpaparamdam ang lalake, pero pag nagtanong na sya kung pwedeng manligaw, ayaw ng babae. Isipin mo nga yung oras na nasasayang dahil sa extrang pasikot-sikot ng ligawan dito sa Pilipinas. Kung may gusto kang babae, magparamdam ka ng mga dalawang linggo. Siguraduhin mo na sa loob ng dalawang linggo ay makikita nya ang mga assets mo na magugustuhan nya. Pagkatapos ng 2 weeks, magpaalam ka na na manliligaw ka. Kapag sa loob ng 3 months, hindi ka sinagot, sabihin mo na titigil ka na sa panliligaw dahil mukang ayaw naman talaga nya. Kapag sinabi nyang "sige." o kaya "OK.", itakwil mo na sa buhay mo ang taong yon (Hindi totoo ang let's just be friends.) Kung gusto ka nung babae, sa oras na sabihin mong titigil ka na manligaw dahil mukang ayaw naman talaga nya, aamin sya sayo na gusto ka na nya. Sa ganitong paraan, hindi ka nagsayang ng sobrang habang oras sa pagpaparamdam na wala ka naman palang mapapala. At sa ganitong paraan, mas malaki ang opportunity na makita mo ang taong para sayo, at hindi mo sasayangin ang oras mo sa taong nagpapaasa.

0 comments for this post

Post a Comment