The Rarest Of Them All

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Isa sa mga palipas oras namin ay manuod ng Animal Planet. Parepareho kaming may hilig sa mga kaalamang kahayupan, pero ang pinaka mahilig sa kahayupan sa amin ay si "Bunso". Sya ang nakakita nitong artikulo tungkol sa PINAKA KAKAIBANG HAYOP SA BUONG MUNDO. Ito ay ang Pinta Island tortoise.


Kakaiba itong hayop na ito dahil hindi normal sa mga pagong ang magkaron ng mahabang leeg na naitataas. Ang Pinta Island tortoise ay isang uri ng Giant Galapagos tortoises.

May mga nagtataka siguro sa inyo kung pano naging PINAKA KAKAIBANG HAYOP SA BUONG MUNDO ang Pinta Island tortoise. Naging PINAKA KAKAIBANG HAYOP SA BUONG MUNDO ito dahil WALA NANG IBANG PINTA ISLAND TORTOISE. Isa nalang ang natitira sa species nito. Nalungkot kami ng bahagya (konti lang) nung nalaman namin ito dahil may mga alagang pagong si "Bunso" na napamahal na sa aming lahat (Oo, ang matitikas na authors ng MgaEpal.com ay may soft spot para sa mga hayop). Ang kaisa-isang natitirang Pinta Island tortoise ay kilala bilang si "Lonesome George".



Dahil sa kagustuhang mapigil ang pagkawala ng mga Pinta Island tortoise, naghahanap ang mga scientists/biologists ng babaeng Pinta Island tortoise para maipares kay "Lonesome George". Ang Charles Darwin Research Station ay handang magbigay ng $10,000 sa kung sino mang makakita at makapagdala sakanila ng babaeng Pinta Island tortoise. Kaya kung kapos ka sa pera, maghanap ka na ng babaeng Pinta Island tortoise at ibugaw mo ito sa mga taga Charles Darwin Research Station.

0 comments for this post

Post a Comment