Alamat ng Bieber

By mgaepals on 09:04

Filed Under:

Nung unang panahon, may isang batang mahilig kumanta. Mukang naka-rubber band ang mga itlog nita para tumaas ang boses nya. May mga competition syang sinasalihan at kinukunan sya ng video ng nanay nya. Para mapakita ang mga performance ng batang naka-rubberband ang itlog, inupload nila ang mga video nya sa Youtube.



Dumami ang fans sa Youtube ng batang boses supot, at sumikat sya ng husto sa mga kapwa bata at mga internet predators.



Dahil sa pagsikat nya, inimbita sya ng isang producer na maging talent nito. Nagperform ang batang sumikat sa Youtube para kay Usher at naisip ni Usher na pwede din syang kumita sa talent nung bata kaya pinapirma din nya ito ng contract.



Hindi makapaniwala ang bata sa natatamasa nyang kasikatan. Kinuwento nya kung saan nagsimula ang lahat. Pero hindi nya sinabi kung baket sya pinagmumukang tomboy ng mga stylist nya. Wala namang masama sa pagiging tomboy, kaso hindi naman sya tomboy kaya nagmumuka lang syang tomboy-wannabe.



Isang araw kumalat na may talent pala ang batang mejo mukang lalake...



At ang special na talent nya ay sinubok. Hindi naman napahiya ang batang may mga bobong image consultant dahil nagawa nya ang pinagagawa sakanya ng mga taong nagpagawa sakanya ng bagay na kaya daw nyang gawin.



Sa paglabas ng "alamat" na 'to, alam naming may mga taong dati ay sobrang ayaw kay Justin Bieber at ngayon ay mejo ayaw nalang sya.



Siguro naman ay aayusin din nila ang bihis ng batang yan kapag nagdalaga na sya.

0 comments for this post

Post a Comment