Epal: Sa wakas natapos din ang eleksyon.
Mas Epal: Oo nga. Masaya ako nanalo yung binoto ko.
Epal: Ako talo yung sakin 'e. Si Noynoy pala binoto mo...
Mas Epal: 'E syempre. Binuwis nya yung buhay nya para lang sa bayan. Kahit alam nyang may planong assassination sakanya umuwi parin sya sa Pilipinas.
Epal: Hindi ko alam yun 'a. Baket san ba sya galing?
Mas Epal: Sa America. Umuwi sya dahil sabi nya "The Filipino is worth dying for."
Epal: Siraulo! Si Ninoy yun! Anak si Noynoy, tatay nya si Ninoy! Hindi mo ba nakita na hindi si Ninoy ang nasa 500 pesos?!!
Mas Epal: Ahhh oo nga 'no, akala ko si Noynoy yun, tatay nga pala nya... 'e baket mukang mas matanda si Noynoy sa tatay nya?
Epal: Oo nga 'no... dapat kase tumatanda din yung mga muka sa pera 'no??? Kanino ka ba nagmana ng katangahan?!!! Hindi naman tanga mga magulang mo!
Mas Epal: Hoy! Yung tatay ko minsan tanga yon!!!
0 comments for this post