Retires again... daw.

By mgaepals on 09:03

Filed Under:

Matagal namin pinag-usapan kung kakabugin ba namin ang balita na magre-retire NA NAMAN si Floyd Mayweather Jr. . Sa posibilidad na hindi na matutuloy ang laban ni Pacquiao at Mayweather, Alam naming madami ang nagalit, madami ang nanghinayang, MADAMI ANG NANIWALA AT NAGPAUTO.

Sa tancha namin, matutuloy parin yan. Hindi na mabilang kung ilang beses na naging punchline si Mayweather dito sa MgaEpal.com. Alam ng lahat na kahit napahanga nya kami sa huli nyang laban, hindi kami makukuntento hangga't hindi nagsusuntukan si Manny at Floyd. Pero kung tatanungin kami ngayon kung ano ang naramdaman namin at ano ang naging reaksyon namin sa balitang pagreretiro nya, ang sagot namin ay natawa at natawa ulit.

Gumagawa lang ng ingay ang magkabilang kampo (Team Pacquiao and Team Pacyu) para lalong pag-usapan ang laban. Effective naman ang mga pautot nila dahil pinag-uusapan nga naman. Gaya ng sinabi namin dati, matutuloy ang laban... at magkaka-rematch pa. At kung hindi man matuloy ang laban, welcome naman maging punchline ulit dito si Floyd Mayweather Jr. sa MgaEpal.com... habangbuhay.

0 comments for this post

Post a Comment