Ang slang na salitang "yosi" ay hinugot sa kapanahunang Jeproks. Ito ay ang mga panahon na uso ang pagbabaliktad ng mga pantig ng mga salita o pagbigkas ng salita ng pabaliktad, tulad ng nosi na binaliktad na sino, erap na binaliktad na pare, igop na binaliktad na pogi, bogchi na binalkitad na chibog, at bogli na binaliktad na..... binaliktad na aroused.
Pero ang "yosi" ay may mas binuhol na pinaghugutan dahil kung iisipin mo, ang binalikta na yosi ay isoy o siyo na wala namang ibig sabihin. Pero sa panahong Jeproks parin ito ipinanganak dahil alam natin na ang ibig sabihin ng "yosi" ay sigarilyo, binaliktad muna nila ang sigarilyo at naging "yogarilsi", pero sa kalaunan ay pinaiksi ito at tinanggal ang "garil" sa yogarilsi at natira ang mga dulong kataga na "yo" at "si".
0 comments for this post