"Tampo him."

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Nagtataka ang karamihan kung baket wala ang natalong vice presidential candidate na si Mar Roxas sa proclamation ni Noynoy at ni Binay bilang President at Vice President, respectively.

Anong nakakapagtaka don? Natalo sya ng 700,000 na boto lang. Muntik na syang manalo. Tapos may mga speculations ng dayaan, kaya siguro mas mahirap tanggapin ang pagkatalo para sakanya. Masakit yun dahil sya ang nangunguna sa survey nung mga unang bahagi ng eleksyon at umasa sya na mananalo talaga sya. Tapos si Gabby Concepcion nag-guest pa sa Sharon. Ah hinde, si Kiko Pangilinan pala yung pwedeng nalungkot dun sa pag-guest ni Gabby sa Sharon... Pero malay mo, baka nakaapekto din yun kay Mar dahil magkamuka sila ni Kiko. Malay mo lang.


Pareho lang siguro ng aura, nagkahawig lang sa ilong, parehong nakasalamin,
sa bibig, buhok... Ah hinde! Magkamuka talaga sila!

mga muka hugot dito at dito.

0 comments for this post

Post a Comment