Nakakalasing na usapan.

By mgaepals on 09:07

Filed Under:


Bong: Pare dahan-dahan mo isara yung gate baka magising si misis... magagalit yun kapag nakita na naman akong lasing. Pero ok lang enjoy naman, ngayon lang tayo ulit nalasing ng ganito 'e. Tumatawa ako ngayon pare, pero sa utak lang para hindi maingay.



Roger: Enjoy din ako, tatawa din ako pare, sa utak lang din. Teka dinadahan dahan ko isara yung gate, dapat kasi magkaron ng mute yung mga gate, shhhh... Thank you nga pala na pumayag kang dito na muna ako magpaumaga pare. Hindi ko na kasi talaga kaya. Ang bigat na ng ulo ko.



Bong: Akin na pare, ako na muna ang magdadala ng ulo mo. Joke yun pare. Tumatawa ako sa utak ko ngayon shhh.



Roger: Labo mo pare. Wag ka nga muna magpatawa mahirap tumawa sa utak. Shhhh



Bong: Badtrip! Shhhh



Roger: Baket pare???



Bong: Kinalat ni misis yung mga kaldero at kawali sa sahig para magising sya sa ingay pagdating ko...



Roger: Edi hakbangan nalang natin pare... dapat lagyan din ng mute yung mga kaldero at kawali na yan!


Bong:
Hindi natin pwedeng hakbangan. Nakakalat, sobrang dami. May mga nakapatong pang mga fork and spoon para mag-ingay talaga.



Roger: Spoon and fork pare.



Bong: Ano?



Roger: Spoon and fork, hindi fork and spoon.



Bong: Ah ok, spoon and fork. May mga nakapatong pang mga spoon and fork para mag-ingay talaga. Ok na ba yun?



Roger: Oo... Alam ko na pare!



Bong: Shhhhh!!!


Roger: Alam ko na pare... Para hindi natin tamaan yung mga kaldero...



Bong: at kawali...



Roger: Oo, at kawali. Para hindi natin masagi yang mga yan, bubuhatin kita...



Bong: Tapos?



Roger: Bubuhatin mo din ako... tapos lulutang tayo.



Bong: Sige sige... O bilisan natin baka magising na yun si Selya.



Roger: Ok, sinong mauuna, buhatin muna kita, o buhatin mo muna ako? Sino nga pala si Selya?



Bong: Gago, yun yung asawa ko... Sabay nalang tayo magbuhatan.



Roger: Ok ok sabay nalang... pagbilang ko ng tatlo ha... one, two



Selya: Hoy! Baket kayo magkayakap?!

0 comments for this post

Post a Comment