Sukdulan

By mgaepals on 09:04

Filed Under:



Sukdulan ang pagkalalake mo kung wala kang pakialam sa itsura mo, basta kumportable.

Sukdulan ang appeal mo kung nakakakuha ka parin ng chicks.



Sukdulan ang pagkababae mo kung ginagawa mo lahat, kahit masakit, makaporma lang.

Sukdulan ang kahinayangan kung walang nanlalandi sayo dahil nakakaintimidate ang porma mo.



Sukdulan ang pagka-immature mo kung nakikipag-asaran ka sa bata.

Sukdulan ang pagkainutil mo kung talo ka nung bata.



Sukdulan ang pagkababaero mo kung pati kapatid ng girlfriend mo, diniskartehan mo.

Sukdulan ang pagkabading mo kung lalake ang kapatid na yun.



Sukdulan ang talino mo kung madami kang natatapos na crossword puzzle.

Sukdulan ang pagkaboring ng buhay mo kung madami kang natatapos na crossword puzzle.



Sukdulan ang kahibangan mo kung naniniwala ka parin kay Sta. Claus.

Mas sukdulan ang kahibangan mo kung ngayon mo lang nalaman na walang Sta. Claus.

Pinaka sukdulan ang kahibangan mo kung ayaw mong maniwalang walang Sta. Claus.



Sukdulan ang swerte mo kung nanalo ka sa lotto ng 100 million pesos.

Sukdulan ang malas mo kung 100 million na tao ang kasabay mong nanalo.



Sukdulan ang kaalaman na napulot mo dito.

Sukdulan kang sumangayon kung ayaw mong sukdulang masaktan.


0 comments for this post

Post a Comment