Mga sinkhole kayo!

By mgaepals on 09:07

Filed Under:


Dahil napabalita ang pagkakaron ng sinkhole sa Guatamala, sinasabi ng mga "experts" na baka magkaron din ng sinkhole sa Pilipinas. Eto na naman, makiki-uso na naman ba tayo? Lahat nalang ng meron ang ibang bansa na pinag-uusapan ng buong mundo magkakaron dito? Lagi nalang.

Pag may pumutok na bulkan sa ibang bansa... may posibilidad na pumutok ang isang bulkan sa Pilipinas.

Pag nagkaron ng flush flood sa ibang bansa... magkakaron din ng flush flood ang Pilipinas.

Pag naglindol sa ibang bansa... lilindulin din daw ang Pilipinas.

Kapag nagkaron ng outbreak sa ibang bansa... magkaka-outbreak din daw sa Pilipinas (kahit na hindi pa nila alam kung ano yung outbreak).

Kapag niregeluhan ni Sta. Claus ang mga bata sa ibang bansa... nakakatanggap din ang mga bata sa Pilipinas.

Kapag may bumagsak na bulalakaw sa ibang bansa... lulutang ulit ang bulalakaw na yun, at babagsak din yun sa Pilipinas.

Kapag nauso ang U-KISS sa ibang bansa... mauuso din ang WE-SUCK sa Pilipinas.

Kapag nag snow storm sa ibang bansa... may posibilidad din na mag snow storm sa Pilipinas.

At ngayon na may pinag-uusapan na sinkhole sa ibang bansa... magkakaron din ang Pilipinas.


Mga inggitero.


picture ng butas na kinaiinggitan galing dito

0 comments for this post

Post a Comment