Dear Kuya Chico,
Itago mo nalang ako sa pangalang Kenny. Isa akong HRM student. Kinuha ko ang kurso na ito dahil magaling ako magluto ng breakfast. Matataas ang grade ko sa lahat ng subjects ko at akala ko ay magiging mataas din ang grade ko sa Foreign Language class namin na nagtuturo ng Japanese. Akala ko nung una ay magiging madali para sakin matuto ng Japanese dahil mahilig naman ako manuod ng Japanese shows tulad ng Dragon Ball Z, Shaider, Slam Dunk, Voltes Five, at Takeshi's Castle. Pero nagkamali ako Kuya Chico... nagkamali ako.
Unang naging malinaw sa akin na wala pala akong alam sa Japanese noong unang exam namin sa Foreign Language. Pinasulat kami ng teacher namin ng limang Japanese words at ilagay daw namin sa tabi nito ang ibig sabihin nito sa English. Wala akong maalala sa mga napag-aralan namin kaya umasa nalang ako sa mga natutunan ko sa mga napanuod kong Japanese show. Sinimulan kong mag-isip. Ang una kong sinulat ay ang madalas kong marinig sa Slam Dunk, "Reboundo" na ang ibig sabihin ay rebound. Ang sumunod na sagot ko ay "Voltes Fayva" na ibig sabihin ay Voltes Five. Pangtlong sagot ko ang "Kame Hame Wave" na ang ibig sabihin sa english ay Haduken. Ang pang-apat kong sagot ay "Igeeee" na ang ibig sabihin ay "attack Master Takeshi". At ang huli kong sagot ay "Babilos" na ang ibig sabihin ay "come here airplane". Lahat ng kaklase ko ay pasado sa exam, ako lang ang nakakuha ng zero. Naniniwala ako na hindi nagbibigay si God ng pagsubok na hindi natin kayang lampasan. Sana si God nalang ang naging teacher ko.
Kung alam ko lang na hindi pala ako matututo ng Japanese na kakapanuod ng Japanese shows sana ay nakinig nalang ako ng JPOP. Baket naman kasi salita sa Japan pa ang napiling ituro sa Foreign Language class namin? Sana salita nalang sa Australia, o kaya salita sa United Kingdom, o kaya salita sa America, o kaya salita sa New York, o kaya salita sa Antipolo. Sa loob ng dalawang linggo, wala na akong kinain kundi Remen at sushi pero hindi parin ako natutong magsalita ng Japanese. Sinubukan ko na din gumamit ng chopsticks sa pagkain para lang matuto ng Japanese, kahit sabaw ginamitan ko ng chopsticks pero wala parin. Ngayon ay may naisip akong paraan na sa tingin ko ay siguradong matututo na akong Japanese. May isa lang akong katanungan Kuya Chico. San ba nakakabili ng lampin na gamit ng mga sumo wrestler? Sana ay mabigyan mo ako ng sagot bago kami mag-exam ulit.
Lubos na gumagalang,
Kenny
Isang napaka gandang mensahe ang iniwan ng erpat ni Pres. Noynoy sakanya.
“The only advice I can give you: Live with honor and follow your conscience. There is no greater nation on earth than our Motherland. No greater people than our own. Serve them with all your heart, with all your might and with all your strength,” -Ninoy
The very patriotic Benigno "Ninoy" Aquino Jr. would have been so proud of his son.
Sa ngayon ay magtiwala tayo. Pagbigyan natin si Pres. Noynoy na unti-unting bawiin ang huminang suporta ng mga Pilipino dahil sa nakaraang administrasyon. Sana ay magkaron ng tamang timpla ng honest governance, at smart financial management.
Pagkatapos ng naganap na Inauguration kahapon ni Pres. Noynoy Aguino, ang panawagan namin sa mga tao ay magtiwala ngunit maging mapanuri.
Presidente Benigno "Noynoy" Aquino III, good luck. Magtrabaho ka na.
Epal: Teka lang 'tol kakain lang ako tapos alis na tayo.
Mas Epal: Uy ano yan?
Epal: Salad.
Mas Epal: 'E baket walang macaroni?
Epal: Abnoy! Hindi naman lahat ng salad kailangan ng macaroni.
Mas Epal: Ah ganon ba... may konti pakong pera dito gusto mo bili tayo ng macaroni? Basta pahingi ako, iuuwi ko sa bahay.
Epal: Ayoko nga ng may macaroni. Susubukan ko kase maging vegetarian.
Mas Epal: Anong vegetarian?
Epal: Yung mga gulay lang ang kinakain... Parang yung kapitbahay nating si linda, walang ibang kinakain yun kundi gulay.
Mas Epal: Kaya pala sexy si linda no? Hindi tumataba...
Epal: Oo, kaya nga susubukan ko din maging vegetarian, mejo tumataba na naman kasi ako 'e.
Mas Epal: ...
Epal: O ba't natahimik ka pare?
Mas Epal: Iniisip ko lang yung sinabi mo pare...
Epal: Baket? Gusto mo ding subukan maging vegetarian?
Mas Epal: Hindi, hindi... Sabi mo kasi gulay lang ang kinakain ng mga vegetarian, diba?
Epal: O ano ngayon?
Mas Epal: Tangina meron akong ka-office mate, tapos nagpapalitan kame minsan ng baon na ulam. Humanitarian yun 'e! Tangina ibig sabihin ba nun cannibal na ako?!
Epal: ...
Mas Epal: Pare sumagot ka! Cannibal na ba ako???
Epal: ........Oo pare cannibal ka na... Ikaw magbasa-basa ka minsan ng dictionary ha... Gago!
Sa suntukan na 'to, nagtagumpay ang dalawang gagong 'to sa pagpapasakit ng mga ulo ng nanuod.
Ang talunan ay tayong mga nanuod at nagsayang ng 49 seconds ng buhay natin.
Slambook: Ang ginagastusan ng mga elementary students noon para lang malaman nila kung sino ang may crush sakanila. Parang profile sa Facebook ang tema ng mga tanong. At sa dulo ay may pagsusulatan ng dedication para sa may ari nung slumbook. Narito ang mga pinaka sikat ng acronyms na binabagsak sa dedications
J.A.P.A.N. - Just Always Pray At Night
A.T.O.Y. - Always Thinking Of You
I.T.A.L.Y.- I Trust And Love You
S.A.S.A.Y.A. - Stay As Sweet As You Are
H.A.K. - Hugs And Kisses
S.W.A.K. - Sealed With A Kiss
T.C.C.I.C. - Take Care Coz I Care
Isa sa mga palipas oras namin ay manuod ng Animal Planet. Parepareho kaming may hilig sa mga kaalamang kahayupan, pero ang pinaka mahilig sa kahayupan sa amin ay si "Bunso". Sya ang nakakita nitong artikulo tungkol sa PINAKA KAKAIBANG HAYOP SA BUONG MUNDO. Ito ay ang Pinta Island tortoise.
Kakaiba itong hayop na ito dahil hindi normal sa mga pagong ang magkaron ng mahabang leeg na naitataas. Ang Pinta Island tortoise ay isang uri ng Giant Galapagos tortoises.
May mga nagtataka siguro sa inyo kung pano naging PINAKA KAKAIBANG HAYOP SA BUONG MUNDO ang Pinta Island tortoise. Naging PINAKA KAKAIBANG HAYOP SA BUONG MUNDO ito dahil WALA NANG IBANG PINTA ISLAND TORTOISE. Isa nalang ang natitira sa species nito. Nalungkot kami ng bahagya (konti lang) nung nalaman namin ito dahil may mga alagang pagong si "Bunso" na napamahal na sa aming lahat (Oo, ang matitikas na authors ng MgaEpal.com ay may soft spot para sa mga hayop). Ang kaisa-isang natitirang Pinta Island tortoise ay kilala bilang si "Lonesome George".
Dahil sa kagustuhang mapigil ang pagkawala ng mga Pinta Island tortoise, naghahanap ang mga scientists/biologists ng babaeng Pinta Island tortoise para maipares kay "Lonesome George". Ang Charles Darwin Research Station ay handang magbigay ng $10,000 sa kung sino mang makakita at makapagdala sakanila ng babaeng Pinta Island tortoise. Kaya kung kapos ka sa pera, maghanap ka na ng babaeng Pinta Island tortoise at ibugaw mo ito sa mga taga Charles Darwin Research Station.
Papa: Lin-lin, anak wag ka muna dito sa garden nagsisigarilyo pa si papa, pumasok ka na muna sa bahay susunod na din ako.
Lin-lin: Pa, wag ka nang magsigarilyo. Sabi nung teacher ko bad daw yan sa health.
Papa: Ay totoo yan anak. Bad sa health ito. Kaya ikaw wag mo gagawin 'to pag laki mo ha.
Lin-lin: 'E baket ikaw papa nagsisigarilyo ka?
Papa: Ahh eh.. 'e kasi nga bad ang smoking.. galit ako sa sigarilyo.. kaya inuubos ko silang lahat. Baket ganyan ka makatingin? Totoo yun!
Ngayon ka lang makakakita ng Hip Hop na metal
Ang natitirang "Decepticons" nananatiling hangal
Wala nang makakapigil sa "Autobots" at "Mga Epal"
Opening minds with deep knowledge and stupid fun
Be a witness, the impossible has just been done
-MgaEpal.com
picture hugot dito
Interview with actress Sharon Cuneta and bold star Myra Manibog
Joe Quirino: Sharon, are you familiar with the current problems we have in the film industry?
Sharon: Sorry, Tito Joe, I'm afraid not.
Joe Quirino: What about you Myra, what can you say?
Myra Manibog: Naku Tito Joe, I'm afraid also.
Knock-knock...
Who's there?
Lady Gaga...
Lady Gaga who?
Kung Lady Gaga ka, sa piling ng iba
At kung ang langit mo ay ang pag-ibig nya...
Oo... nakakahiyang alam namin yan.
"Sorry Tarzan, hindi tayo pwede maging magshota. Dahil kahit hindi mo alam kung ilang taon ka na, alam kong bata ka pa. Wala kang bigote, 'e hindi ka naman nag-aahit." -Jane
Salamat sa pamatid bagot na trip mo brad.
Gerry "Komikero" Alanguilan: Smile Ninja
Ang slang na salitang "yosi" ay hinugot sa kapanahunang Jeproks. Ito ay ang mga panahon na uso ang pagbabaliktad ng mga pantig ng mga salita o pagbigkas ng salita ng pabaliktad, tulad ng nosi na binaliktad na sino, erap na binaliktad na pare, igop na binaliktad na pogi, bogchi na binalkitad na chibog, at bogli na binaliktad na..... binaliktad na aroused.
Pero ang "yosi" ay may mas binuhol na pinaghugutan dahil kung iisipin mo, ang binalikta na yosi ay isoy o siyo na wala namang ibig sabihin. Pero sa panahong Jeproks parin ito ipinanganak dahil alam natin na ang ibig sabihin ng "yosi" ay sigarilyo, binaliktad muna nila ang sigarilyo at naging "yogarilsi", pero sa kalaunan ay pinaiksi ito at tinanggal ang "garil" sa yogarilsi at natira ang mga dulong kataga na "yo" at "si".
Vicky Morales: Isa po sa plano nyo yung gawin dollar ang currency ng Pilipinas.
Eddie Gil: I will change the Philippine currency to the dollar so that we will be more competitive in the global arena. Countries like Korea and China are now using the dollar and we must follow suit. When we do this, one Philippine Dollar will be equivalent to one US Dollar.
Vicky Morales: Dollar ba ang gamit ng Korea, hindi ba Won? Saka ang China, Yuan?
Itutuloy...
Hoy babaeng mukang daga na nagpapanggap na singer kahit na boses baradong ilong naman, tigilan mo yang "maturity reasons" mo sa pagpapasexy mo dahil alam naman ng lahat na gusto mo lang mapag-usapan. Kaya ba ganyan din ang bihis ng mga babae sa beer house, para magmuka silang mature? Gago pala 'to 'e.
Eto pa ang ilan sa mga sinabi nya:
"What I'm trying to do is make a point with my record and look consistent, in the way my record sounds and the way I dress." "I work really hard to be fit and to know I can wear whatever makes me feel most comfortable, and I feel most comfortable dressing with a little less. And that's kind of how I've always been, it's just now I'm able to do that a little more freely," "This is not me five years ago. This is me now, presently."
Pero sino ang maniniwala sakanya kung alam naman ng lahat na ganito na ang ginagawa nya kahit na nung hindi pa sya "mature":
Wala naman kaso na magpasexy kayong mga babae, gustong gusto pa nga naming mga lalake yan. Pero kung ang ibibigay mong bullshit na dahilan ay dahil parte yan ng maturity mo, bobo ka. Para sa mga babaeng ganyan ang definition ng maturity... dito kayo magpaka-mature sa harap namin, kami ang magiging "mature audience" nyo, at mag-maturan tayo buong gabi.
mature na pictures hugot dito
Ang pagtaas ng antas ng ekonomiya daw ang pinaka mahalagang bagay na nagawa ni Gloria Macapagal Arroyo, ayon sakanya. Kung hihimayin ng lubusan ang mga bagay na nagawa ni Gloria Macapagal Arroyo bilang Presidente ng Pilipinas, makikita na totoo ang sinasabi nya. Mas mabuti na nga siguro ang konting porsyento ng "pag-unlad" ng ekonomiya kesa sa wala. Kaya lang siguro mas nangingibabaw ang negatibong mga paratang kay Arroyo ay dahil sa mga "scandal" / issues na nadawit ang pangalan nya, o pangalan ng asawa nya, o pangalan nung anak nyang "action star". Nandyan ang "Hello Garci", ang pag-gastos nya ng ilang libong dolyar sa isang restaurant kasama ang ilang politiko, ang paratang na nandaya sya sa eleksyon nung nanalo sya bilang Presidente, ang pagkakadawit ng pangalan ng asawa nya sa kaso ni Erap, ang mga hindi ma-explain na mga batikos ni Winnie Munsod sa anak nyang action star na botchog, at ang ilang pagsubok na mapatanggal sya sa posisyon ng ilang mga aktibistang grupo. Pero kung wala yang mga yan, MAAARING positibo nga naman ang maging tingin ng mga tao sa resulta ng mejo mas magandang ekonomiya na iiwanan ni Arroyo sa pagtatapos ng kanyang term.
Kung kami ang tatanungin, mahina parin ang ekonomiya natin, pero gaya nga ng sinabi namin, mas ok na ang konting pag-angat kesa wala. Sa aming tancha, ang pinaka magandang nagawa ni Gloria Macapagal Arroyo, ay hindi ang konting pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Ang pinaka magandang nagawa nya ay napag-isa nya ang mga Pilipino. Oo, sa maniwala ka o hindi, malaking dahilan kung baket mas niyakap ng mga Pilipino ang pagkakaisa, at nauso ang mga t'shirt na may Philippine flag o kaya mapa ng Pilipinas, ay dahil nabigyan tayo ni Gloria Macapagal Arroyo ng dahilan para magmalasakit sa Inang Bayan. Nagmukang kawawa ang Pilipinas dahil sa mga issue na naganap. Nahabag ang mga tao at nagkaisa dahil nagkaron sila ng "common enemy" sa pagkatao ni Gloria. Sya ang naging "kontra bida" ng teleserye na pinamagatang "Pilipinas". Sa loob ng syam na taon, pinanuod natin ito at sinubaybayan, at dahil magaling ang pagkakaganap na "kontra bida" ni Arroyo, lalong napamahal sa lahat ang bida. Sana sa susunod na yugto, suportahan parin natin si "Pilipinas".
picture hugot dito
Ang kinakapos sa pera at mayaman sa pangarap
Ang walang ginagawa kahit alam naman ang dapat
Ang hindi pa kumikilos at panay lamang ang sipat
Mga tao na kawawa na nagpapanggap-mahirap
"Wag kang dumagdag sa hadlang ng sarili mong pag-unlad."
Gago ka talaga Gaga.
Sinasabi dati ng kampo ni Floyd Mayweather Jr. na kaya nila gusto ng random blood-test para kay Pacquiao ay dahil baka nandadaya daw ito gamit ang mga performance enhancing drugs.
Pero kitang-kita dito sa video na 'to na si Mayweather ang mandaraya.
Kung matuloy man ang laban ni Pacquiao at Mayweather, kailangan maging mabilis ang mata ng referee dahil baka manghampas na naman ng steel chair si Mayweather!
Pinagbibintangan nila na gumamit ng performance-enhancing drugs si Pacquiao dahil hindi sila makapaniwala na tinalo nya si Miguel Cotto na mas mabigat kay Manny. 'E gago pala sila, si Mayweather nga tinalo si Big Show.
Epal: Malayo pa ba tayo? Naiihi nako!
Mas Epal: Oo, sandali nalang nasa airport na tayo. Sinabi ko naman kasi sayo kanina, umihi ka na bago umalis.
Epal: 'E hindi ako naiihi kanina... Anong oras nga pala arrival nung pinsan mo? Baka matagal pa yun, ayokong tumatambay ng matagal sa airport, boring.
Mas Epal: Nandun na yun pag dating natin.
Epal: San nga pala galing pinsan mo?
Mas Epal: Vietnam.
Epal: Ahhh ok... 'tol saang lugar madaming gumagamot ng hayop?
Mas Epal: Ha? Ewan ko.
Epal: Edi sa pinanggalingan ng pinsan mo, sa Vet-nam. nyahaha... Saan namang lugar madaming manhid?
Mas Epal: ... saan?
Epal: Edi sa Viet-numb hahaha. Nagustuhan mo ba mga joke ko? hahaha... Eto pa, eto pa... Saang lugar...
Mas Epal: Leche ayoko na.
Epal: Hindi, last na 'to... Saang lugar madaming makukuha?
Mas Epal: Edi sa Get-nam, gago!
Epal: Hahaha! Pano mo nalaman? Galing mo ah!
Mas Epal: O eto ako naman... Saang lugar madaming nagpupustahan?
Epal: Ulul! Kala mo hindi ko alam... Edi sa Bet-nam!!! Hahaha!!!
Mas Epal: Bobo sa Tibet.
Epal: Gago ka 'a...
Mula July 6, 2010 makukuha na ng mga senior citizens ang matagal nang dapat na 20% discount sa pagkain, serbisyo, at discounted din ang kanilang pamasahe. Bukod dun, ang mga hindi pensyonado na senior citizen ay makakakuha ng pensyon na 500 pesoso buwan-buwan. Masaya ka dapat dahil dadami na ang ipon ng mga senior citizens. Para lalong ma-excite ang lolo at lola mo, ipabasa mo pa ito.
Kahit na hindi kami nanunuod ng PANG-BABAENG palabas na "Glee", nakakatuwa parin isipin na makakasali si Charice sa PANG-BABAENG palabas na yan next season. Tumaas ba ang kilay mo at napangiti ka ba habang napa-inhale ng malalim? Kung oo ang sagot mo, aba "Glee" fan ka nga na malamang ay nag-like ng fan page nila sa Facebook. At ibig sabihin non ay BABAE KA. Hi miss.
Gaganap daw na isang exchange student si Charice sa "Glee" na isang ngang PANG-BABAENG show, at magiging mejo kakumpitensya si Charice nung bidang babae na ok lang kahit hindi namin alamin ang pangalan dahil lalake naman kami. Kayong mga "Glee" fans na nagbabasa nito ngayon, sige na, ilabas nyo na yang sigaw ng tuwa at ligalig na iniipit nyo sa lalamunan nyo kanina pa.
picture hugot dito
7:38PM... Hapunan ng mga inmates...
Gaston: O pano na tayo? Kailangan natin ng bagong plano.
Delfin: Oo nga... Sayang yung plano ni Brando muntik na tayong makatakas nun. Sayang talaga.
Brando: Sobrang nanghihinayang din ako kosa. Kayo na muna ang mag-isip ng plano, nasa state ako ng deep depression ngayon. Sorry ha...
Tonyo: Ok lang yan kosa. Kami na ang magpaplano... Dapat kasi matalino ang mangunguna sa pagpaplano natin... tulad ko.
Delfin: Tulad mo?!! Gago ka ba? Kung hindi dahil sayo, hindi papalpak yung plano ni Brando!
Tonyo: Heeeey... What's with all the hostility?
Gaston: Umi-english-english ka pa hayup ka. Biyakin ko ulo mo gago!
Brando: Pero tama si Tonyo. Dapat matalino ang mangunguna sa pagpaplano.
Delfin: Muka namang mataas ang mga I.Q. natin... pwera lang yung isa jan.
Tonyo: Ako ba ang pinariringgan mo kosa?
Delfin: Narinig mo ba?
Tonyo: Oo.
Delfin: Pwes ikaw nga!
Tonyo: Baket?! Mataas naman ang I.Q. ko a'! 3rd honor nga ako nung grade 2 ako 'e!
Brando: Ulul! Tapos ilan kayo sa klase, tatlo? hahaha
Delfin: Gago kosa, baka dalawa lang sila. hahahahaha!
Tonyo: Mga abnoy, 54 kame sa klase nun! O ano. galing 'no?
Gaston: Maniwala ako sayo... 54 kayo tapos 3rd honor ka?
Tonyo: Oo! Sayang nga hindi ko na napagpatuloy ang pag-aaral ko. Nakulong kasi ako, unang beses ko makulong nun, car-napping yung kaso.
Brando: Grade 2 ka, car-napping ang kaso? Marunong ka na mag-drive non?
Tonyo: Oo naman! May lisensya nga ako nun 'e.
Delfin: May lisensya ka na nung grade 2 ka?!! Mukang gifted child 'to si Tonyo 'a! Sya na nga lang ang mag-lead sa pagpaplano!
Gaston: Sakin ayos lang. Kung 3rd honor sya nun at natuto sya magdrive nung grade 2 sya e' baka may tinatagong talino nga 'to!
Tonyo: Wow naman, I'm flattered...
Brando: Nakakabilib naman kasi talaga yun. Grade 2??? Mga ilang taon ba yun kosa? Mga 8 years old ka lang nun a'!
Tonyo: Ha??? Gago ba kayo? May lisensya nga ako nun 'e! Pano ako makakakuha ng lisensya kung 8 years old lang ako nun? 17 years old ka nga dapat bago makakuha ng student's license diba?!!
Delfin: Oo nga no... so 17 years old ka na nung nag 3rd honor ka sa grade 2???
Tonyo: Hindi, bumagsak ako ulit nung 17 ako 'e...
Gaston: So ilang taon ka nung nag 3rd honor ka?
Tonyo: Mga 24, last year lang. Kaya mataas pa ang I.Q. ko hanggang ngayon dahil isang taon pa lang ang nakalipas nung nag 3rd honor ako!!! Kaya ako talaga dapat ang mamuno sa susunod na plano!
Brando: Ganito nalang... magbunutan nalang tayo ng posporo.
Delfin: Eto may apat na posporo ako... puputulin ko ang tatlo, kung sino ang makakuha ng pinaka mahabang posporo, yun ang mamumuno sa susunod na pagtakas natin. Ikaw Tonyo, hindi mo na kailangang bumunot dahil pagkatapos mong paulit-ulit na bumagsak, naging 3rd honor ka sa grade 2 last year. Dahil mataas ang I.Q. mo hindi ka na bubunot... eto, binibigyan na kita agad ng posporo.
Tonyo: Put*ngina bali na 'to a!
Knock-knock
Who's there?
Ube...
Ube who?
But don't, oh no, hesitate ladida, cause your love, just won't wait, ohw-whow just won't weeeheeyt!
Ube-be, I love your way, everyday yeyiyey
I wanna tell you I love your way, everyday heyiyey
I wanna be with you night and day
Yan ang paulit-ulit na maririnig sa bunganga ng mga Pilipinong nagpapaka-english speaking tuwing ini-interview. Halos lahat ng sentence na lalabas sa bibig nila ay sisimulan nila sa "Basically" o kaya "Well basically".
Alam nyo ba kung baket sila ganyan?
Well basically, hindi namin alam, at basically, wala kaming pakialam. Basta basically, nakakairita sila, at basically, ganyan talaga nila sinisimulan ang sentence nila kahit na basically hindi naman english ang sasabihin nila. Para lang basically magmuka silang sosyal. Kahit basically, muka silang tanga.
"Once you go white, you'll know it's right."
"Once you go latino, you'll feel hot inferno."
"Once you go asian, you'll know he's the one."
Lalake, yakapin mo ang tatay mo.
Ano ngayon kung malaki ka na? Ano ngayon kung hindi ka sanay? Ano ngayon kung matatawa lang ang tatay mo? Kanino ka mahihiya, sa sarili mo? Sa tatay mo? Kahit asarin ka pa ng tatay mo na "gay" ang pagyakap, matutuwa parin yon deep inside. Kaya sige, ngayon din, yakapin mo ang tatay mo. Wag lang sa harap ng madaming tao dahil baka mahiya ang tatay mo. Kung nasa ibang lugar naman ang tatay mo at malayo sya sayo, magwebcam nalang kayo at yakapin mo ang monitor. Pag may nakuryente sa inyo sa pagyakap ng monitor, hindi namin kasalanan yan, kasalanan yan ng Father's Day.
Inihahandog ng MgaEpal.com para sa mga Tatay itong aming original composition...
Happy Father's Day to you
Happy Father's Day to you
Happy Father's Day, Happy Father's Day
Happy Father's Day to you
Ang tuyong luha, muta...
Ang tuyong luga, tutuli...
Ang tuyong sipon, kulangot...
Pero ang tuyong laway, ay tuyong laway lang.
Dahil walang kinikilingan ang MgaEpal.com, at itinataguyod namin ang pantay na karapatan ng mga bodily waste, bibinyagan namin ang tuyong laway.
Magmula sa araw na ito, kikilalanin ang tuyong laway sa tawag na... tura.
“Pacquiao has 2 draws and a loss in this decade. Lil Floyd is undefeated in this decade and in his career,” -Floyd Mayweather Sr
“What award they gonna give my son when he whoops Pacquiao?” -Floyd Mayweather Sr
“That's the kind of sh*t that hurts boxing. It makes no sense. Too many people in the sport don't know what the f**k's going on. That kind of sh*t right there is why boxing stays on the ropes,” -Floyd Mayweather Sr
Ok lang dahil wala din namang naniniwala sa mga sinasabi nya, dahil kahit sarili nya, hindi naniniwala sakanya.
Hindi kami pro Noynoy, at hindi kami anti Noynoy, pero kung nanalo ka sa isa sa pinaka dikit na laban sa pagkapresidente ng Pilipinas, magcelebrate ka kahit isang buong taon. Si Gloria Macapagal Arroyo nga syam na taon nagcelebrate.
Ang hindi lang namin alam 'e kung baket kill-joy si Ramos sa "celebration" ni Noynoy.
picture hugot dito
Dahil sa email na pinakita sa post na ito, pinagdidiskusyunan ng mga barbero, tambay sa may video karera, at mga nagmimiriendang taxi drivers, kung dapat nga bang magbigay si Manny Pacquiao ng parte sa kikitain nya sa susunod nyang laban. Ang punto ng mga taong nagsasabi na dapat syang magbigay sa Pilipinas ng porsyento ng kita nya, ay dahil daw ang ginagamit nyang oras sa training nya ay oras na hiram lang sa pagka-congressman, at oras ito na dapat ay naglilingkod sya sa taong bayan. Meron namang mga nagsasabi na hindi sya dapat magbigay, o kung magkukusa sya ok lang, pero hindi dapat mandatory dahil nagbibigay naman sya dati kahit hindi pa sya congressman.
Kung kami ang tatanungin, o kahit hindi kami tanungin, sasabihin namin na hindi sya dapat pilitin magbigay ng parte ng panalo nya dahil lang oras ng pagiging congressman ang ginagamit nya sa training. Baket, binabayaran ba natin si Pacquiao para magdala ng karangalan sa Pilipinas? Naniningil ba si Pacquiao tuwing napapaligaya nya ang mga tao tuwing nananalo sya? Binabayaran ba natin si Manny Pacquiao tuwing napapatawa nya tayo kahit hindi sya nagpapatawa? Abot langit ang pagkabobo ng mga taong nakaisip na dapat magbigay si Manny ng parte ng kikitain nya sa susunod nyang laban. Kung meron mang dapat bayaran si Manny, yun ay ang mga taong nanood ng mga pilikula nya, dahil nasayang ang pera nila.
Talaga namang magbibigay sa Pilipinas si Manny Pacquiao ng parte ng kikitain nya dahil lagi naman syang nagbibigay ng tuwing may laban sya. Hindi lang napapansin ng mga Pilipino dahil kinukupit ng iba. Ang tawag dun ay Tax mga ugok.
opinion tungkol dito. picture hugot dito.