MgaEpal.com turns 1
By mgaepals on 08:03
Filed Under:
Sinadya naming i-launch ang MgaEpal.com nung January 1, 2010 dahil gusto namin maging kasing-ingay, kasing siklab, at kasing saya ng New Year's day ang site na 'to. Kasabay ng putukan nung nakaraang bagong taon, pinaputok din namin sa mundo ng internet ang MgaEpal.com. Ngayong araw, New Year's day na naman, at unang anniversary ng site na 'to. Sa unang pintig ng utak, may karapatan na kaming matuwa at masabe sa isa't-isa na "Uy, naka-isang taon na tayo!" Pero kung ilalagay sa equation ang mga plano namen at mga balak pang gawin, wala, sanggol pa kame. Madame pang mangyayare. Madame pa kaming ipuputok. Sa ngayon, masaya kame sa pagsasabi ng "Naka-isang taon PA LANG kame." Nagpasalamat na kame sa lahat ng tao sa fan page, nagpasalamat na din kami sa mga tambay ng "MgaEpal.com LIVE" dahil gumawa pa sila ng group sa facebook. Buti na lang may mga taong masyadong maraming free time. Thank you sa papo-promote nyo nitong site. Hindi namin alam kung anong napapala nyo sa pagpapalaganap ng site na 'to pero maraming salamat, malaking tulong kayo.
Gusto naman namin magpasalamat sa mga nag-follow sa site na 'to. Pati na sa mga nag-follow kahit na hindi naman nila alam kung para saan yon. Thank you sa paghahanap ng panandaliang aliw dito. Sinubukan namin bisitahin isa-isa lahat ng "followers" bago mag-New Year kaso hindi kami umabot, tang*na andami pala. Hindi na namin isasama ang thank you note namen kay Lord dito, ire-rekta na namen sa Kanya yon.
Salamat ulit, galing sa aming apat. Gago na kung gago, pero seryosong appreciative kame sa suporta. Tama na, nanghiram lang kami ng konting attention sa New Year. Salamat sa mga bumati, bumabati, at babati. Happy New Year sa lahat.

"Kung baga sa dragon, ngayon pa lang kami tuluyang nakalabas sa itlog. Sana nandiyan parin kayo pag bumubuga na kami ng apoy."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post