Epal. Mas Epal.
By mgaepals on 08:02
Filed Under:
Epal: Tsong, sayo ba yung manok sa may tapat ng gate nyo?
Mas Epal: Oo, baket?
Epal: Naku 'e nagbabasketball kasi kami tapos natamaan ko ng bola yung manok. Solid sa ulo yung tama. Patay.
Mas Epal: Naku naman, kabibili ko lang nun!
Epal: Sorry na, bayaran ko na lang. Magkano ba? Mga 250 pesos ok na ba yan?
Mas Epal: Mejo kulang yan...
Epal: Magkano ba?
Mas Epal: 4,900 pesos.
Epal: Ano?! May lahi ba yung manok na yon???
Mas Epal: Wala naman.
Epal: 'E baket ang mahal?!
Mas Epal: Nangingitlog kasi yung manok na yun.
Epal: 'E ano? Nangingitlog ba ng ginto yon?!
Mas Epal: Ano ka ba? Isipin mo nga, nangingitlog yun araw-araw. Ang isang itlog pag binili mo sa palengke 4.50 pesos. Sabihin na nating may tatlong taon pang natitira sa buhay nung manok na yon, 4.50 pesos bawat itlog multiplied by 365 days ng isang taon, multiplied by 3 years, 4,927 pesos and .5 cents yun, pero dahil magkaibigan naman tayo, ginawa ko na lang 4,900 pesos.
Epal: 'A ganon, teka ha...
Mas Epal: Oist! Ano yang binubunot mo?! Mananakit ka na naman!
Epal: Hindi, hindi... dinudukot ko lang yung wallet ko.
Mas Epal: Babayaran moko? Seryoso?
Epal: Oo naman. Babayaran kita nung 4,900 pesos dahil napatay ko yung manok mong nangingitlog. Tapos papatayin kita. At dahil hindi ka naman nangingitlog, hindi ko kailangan magbayad ulit. Diba?.
Mas Epal: Akin na nga yang 250!
0 comments for this post