3:47pm... Nakatambay ang mga preso sa activity room ng bilibid...
Tonyo: Boring naman.
Gaston: May bisita yata si warden kaya pinapunta lahat ng inmates dito.
Brando: Para itago tayo sa bisita nya? Wala pala si warden, kinakahiya tayo 'e.
Delfin: Na-hurt ka? hahaha!
Brando: Slight lang. Gago!
Tonyo: Wala namang magawa dito 'e. Hindi pa pwede magyosi.
Gaston: Hindi ka naman nagyoyosi 'a.
Tonyo: Sinasabi ko lang na hindi pa pwede magyosi.
Biglang may nagsalita sa likod ng apat...
Mang Pancho: Walang hindi pwede gawin dito sa loob kung marunong kang dumiskarte.
Brando: Kilala nyo ba yan?
Gaston: Kami ba kausap nyo manong?
Mang Pancho: Oo. Narinig ko kasi yung sabi nung kasama nyong mukang tanga, na hindi pwede magyosi kahit hindi naman sya nagyoyosi.
Tonyo: Ah hindi manong, ako yung nagsabi non, hindi si Delfin.
Mang Pancho: Ikaw nga.
Tonyo: Ah ok, sabi nyo kasi yung mukang tanga. Akala ko si Delf...
Delfin: Tangina ang tibay naman ng muka mo. Kung hindi lang ako naco-curious kung sino 'tong matandang 'to, pinatulan na kita. Sino ka ba tanda?
Mang Pancho: Ako nga pala si Pancholo Makalinta. Mang Pancho na lang mga iho.
Brando: Mang Pancho, ano ho bang ibig nyong sabihin na walang bawal dito sa loob sa marunong dumiskarte?
Mang Pancho: Walang hindi pwedeng gawin dito kung maparaan ka. Halimbawa yung paninigarilyo dito sa loob ng common area. Hahanap ka lang ng pamaypay, tatabi ka sa may bintana at dun ka magsisindi. Ipaypay mo lang palabas ang usok. Kung may makaamoy na jail guard, kailangan mo lang maghanda ng extrang yosi. I-aalok mo lang yan. Sa tagal ko dito sa loob, halos lahat ng bagay, nadidiskartehan ko na.
Gaston: Gano katagal ka na ba dito sa bilibid?
Mang Pancho: higit sa 42 years na ako dito.
Delfin: Gano katagal ba ang sintensya mo tanda?
Mang Pancho: 35 na taon.
Brando: Ha?! 'E laya ka na dapat 'a!
Tonyo: Oo nga! Lampas ka na sa sintensya mo! Lampas ka na ng.... lampas ka na ng... 42 minus 35?
Delfin: Ba't nandito ka pa?
Gaston: Oo nga, ba't hindi pa kayo nakakalaya Mang Pancho?
Tonyo: Huy! 42 minus 35?
Mang Pancho: Sabi ko nga sa inyo, sa tagal ko dito nadiskartehan ko na halos lahat. Kumportable na ako dito. Halos kalahati ng buhay ko dito ako. Mas hindi ko na alam ang diskarte sa labas.
Gaston: Wala ba kayong kamag-anak?
Delfin: Tsaka mga kaibigan na gustong makita?
Tonyo: 'O kaya pets na kailangan alagaan?
Brando: Oo tonyo, may pets sya na hindi na nya naaalagaan for 42 years.
Delfin: Alam nyo ba na nagpapakahirap kaming apat para makatakas dito? Tapos ikaw na pwedeng-pwede na lumabas, ayaw mo?
Mang Pancho: Sige para mas maliwanagan kayo...
...Dito sa preso libre ang kain mo, at kumakain ka ng tatlong beses sa isang araw. Sa labas, kailangan mong magtrabaho para makakain. Hindi pa libre.
...Dito, malalaman mo kung sino ang mga nagmamahal talaga sayo, dahil sila ang dadalaw para makita ka. Sa labas hindi mo alam kung talagang gusto ka nilang makasama, minsan kahit kamag-anak mo, napipilitan na lang kayo magkita-kita.
...At dito sa loob, libre lahat. Gastos ng mga nagbabayad ng buwis ang kuryente natin, pati tubig. 'E sa labas, tayo ang nagbabayad, plus kakaltasan pa tayo ng buwis.
Brando: Oo nga 'no.
Delfin: May punto ka Mang Pancho. Dito na lang din ako.
Gaston: Parang ayaw ko na din tumakas.
Tonyo: Kaya pala hindi ka na umalis dito. Mas mahirap maging mahirap pag nasa labas ka 'e.
Mang Pancho: Oo, ganon talaga yon. Ang mahirap lang, dito sa loob, bihira mo makakasama sa kama ang asawa mo. Minsan lang kayo makakapag-naughty-naughty.
Delfin: Ok na yung minsan. At least minsan lang din ang away nyo.
Brando: Mang Pancho, may tanong lang ako.
Mang Pancho: Ano yon, bata?
Brando: Sabi nyo kasi nadiskartehan nyo na lahat dito. 'E isa sa iniiwasan namin dito, 'e yung ma-rape ng kapwa namin lalake. Ano bang diskarte para don?
Mang Pancho: Ang diskarte jan, wag mong pasikipin para hindi ka masyadong masaktan. Umire ka para lumaki yung butas. Sanayan na lang yan.
Brando: Tangina, hindi na!
Gaston: Ayoko na ulit dito sa loob! Kung itong beterano hindi nakaiwas matumbungan pano pa tayo, takas na talaga tayo!
Tonyo: Panong wag sikipan Mang Pancho? Bale pag umire ka, mas hindi masakit yon?
Delfin: Tangnamo Tonyo, seryoso ka ba?!
Brando: Basta ako ayoko na dito!
Gaston: Wala na yata yung bisita ni warden, pinapalabas na yung mga inmates. Sige Mang Pancho, mauna na kami.
Brando: Sige Mang P. Salamat sa hindi ko alam kung maganda o panget na sharing mo.
Delfin: Sige tanda, nice meeting you.
Mang Pancho: Ah sige, sige... Nice talking din mga iho.
Tonyo: Mang Pancho...
Mang Pancho: 'O Baket? Akala ko umalis na kayo.
Tonyo: May itatanong kasi ako, pero wag nyo nang sabihin sa mga kasama ko na tinanong ko 'to ha.
Mang Pancho: Sige ba. Ano yon?
Tonyo: 42 minus 35... 7 diba?
To be continued...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post