MgaEpal.com Theories
By mgaepals on 08:01
Filed Under:
Ibagsak na natin ng todo ang kashowbizan ng araw na to. Hindi lang talaga pwedeng palampasin 'to dahil may kutob kaming malalaking tao ang involved. Sharon Cuneta at Aga Muhlach, bigatin 'tong dalawang 'to. Ngayon na may issue sila ng tampuhan daw, nagulat ang mga tao.
Sa concert daw ni Ai-Ai Delas Alas nag-umpisa. Nasa stage si Sharon as guest tapos nagpapatawa silang dalawa ni Ai-Ai, tapos nabanggit ni Ai-Ai na nasa audience si Aga. Sumagot naman si Sharon ng "Sino yon?" May mga iba pang nabanggit at sa dulo sinabi naman daw ni Sharon na joke lang yon. So natapos na yung concert, sa mga tabloid naman at balitang kung saan-saan kumalat na nabastos DAW si Aga sa ginawa ni Sharon. Nagpaliwanag si Sharon pero kasama sa pag-amin na mejo may tampo nga daw talaga sya kay Aga, tampong pangmagkaibigan lang. Kasama na daw na hindi sya napagbigyan nung inimbita nya sa ilang concert nya si Aga para maging guest., Hindi din daw nagbigay ng message sa VTR si Aga nung farewell show nung palabas ni Sharon. Nagkausap na naman daw ang dalawa pero hindi pa malinaw kung plantsado na ang issue nila.At hindi din malinaw kung ano talaga ang PINAKA pinaghugutan ng tampuhan.
Sinabi naming MAY KUTOB kaming malalking tao ang involved dito. Kutob lang dahil theory lang namin 'to. At hindi si Sharon at Aga ang sinasabi naming "malalaking taong" involved. Intindihin mo at pag-isipan dahil may punto kami dito.
Malapit na magkaibigan si Sharon Cuneta at Aga Muhlach. Kung request lang para magbigay ng message sa VTR at mag-guest sa concert ang pag-uusapan, maliit na bagay yon para hindi pagbigyan. Pwera na lang kung BAWAL mong gawin yon.
Endorser ng McDonald's si Sharon, endorser naman ng Jollibee si Aga. Direct competitors yang dalawang kainan na yan. Halimbawa may mga kundisyon sa kontrata nila na bawal kang makihalubilo sa event o palabas ng endroser ng kalaban na kainan, wala silang choice kundi pagbigyan yon. Kung yun nga ang pinaghugutan ng issue, wala namang dapat sisihin dahil pagiging professional talaga ang dapat pairalin. At may protocol lang na sinusunod ang mga kumpanya. Hindi namin alam kung baket hindi naisip ng iba na pwedeng maging konektado ang mga yan, pero sabi nga namin KUTOB lang namin 'to. Magandang kutob na may punto at basehan. Ang galing 'no?
picture hugot dito, dito
0 comments for this post