MgaEpal.com Anti-gulat Method

By mgaepals on 08:02

Filed Under:

Nung nakaraang buwan may napakita kaming "na-surprise attack" na batang matabachoy [Eto yon]

Sinabi rin namin na wala pang nagulat sa aming apat ng ganyan. At dahil madami kaming sinasabe, sinabi din namin na sasabihin namin sa susunod ang diskarteng anti-gulat namin. Eto na yung susunod na yon.

Sa mga pagkakataon na kutob mong may mangyayaring nakakagulat tulad ng eksena sa suspense na pilikula, suspicious na video na mukang "screamer", madilim na kwarto na mukang nagtago ang kakilala mo para gulatin ka, o kaya sa tingin mo ay biglang mawawalan ng utang ang Pilipinas sa ibang bansa. Kung ayaw mong magulat dahil walang taong maganda ang itsura pag nagulat, masyado nang mahaba ang intro na 'to, tama na.

1: Huminga ng malalim.

2: Hold your breath (Pigilin ang hininga mo)

3: Antayin mangyari ang nakakagulat na bagay.

4: Kung matagal mangyari ang ina-anticipate mong nakakagulat, mag-exhale ka naman, anti-gulat 'to hindi anti-buhay.

5: Pag-exhale mo, inhale ka agad.

6: Ulit-ulitin ang proseso hanggang matapos mangyari ang nakakagulat na bagay.

Explanation: Kapag nagugulat tayo ang tendency ay mapapa-inhale tayo ng mabilis. Kaya sumasakit ang dibdib natin minsan ay dahil masyadong mabilis ang pagpasok ng hangin sa lungs natin. Sa diskarteng anti-gulat na yan, iniliminate na natin ang posibilidad ng sudden inhalation. Kung tutuusin, nagugulat parin tayo pero sa kalmadong paraan.

Mas para sa mga lalake naman ang diskarteng yan. Kung hirap ka naman gawin ang MgaEpal.com anti-gulat method, option mo parin ang pangbabaeng paraan na pagtatakip ng mata.

Kung mahina ang baga mo, hindi para sayo ang diskarteng 'to. Kung hindi ka naniniwala na effective yan, pigilin mo ang hininga mo... tapos gulatin mo ang sarili mo.


Consult your barber before using the MgaEpal.com anti-gulat method.

0 comments for this post

Post a Comment