Epal: Oist? Anong ginagawa mo dito?
Mas Epal: Inaantay ka. Kanina pako dito, san ka ba galing?
Epal: Nag-jogging.
Mas Epal: Naks naman haha. Healthy ka na?
Epal: Tara pasok muna tayo. Nauuhaw nako.
Mas Epal: So ba't ka nga nagpapaka-healthy? Pa-jogging-jogging ka pa, cool ba yan?
Epal: Gago, gusto ko lang lumabas yung mga dumi sa katawan ko.
Mas Epal: Edi tumae ka.
Epal: Nagde-detox ako. Hindi muna ako kakain ng karne. Puro gulay, prutas. Wala ding prito.
Mas Epal: Anong pupulutanin mo pag nag-iinuman? Carrots?
Epal: Tanga, wala din munang inom. Hindi muna ako totoma.
Mas Epal: Kalokohan. Malungkot pala magdetox.
Epal: May nabasa kasi ako. Kahit pala pakonti-konti lang ang pag-consume mo ng macolesterol at alak, naiipon pala sa katawan yan. Eto basahin mo.
Mas Epal: Ano ba 'to?
Epal: Health magazine. Binigay lang ng ermat ko.
Mas Epal: Kaya pala na-isip mo magpaka-healthy 'no? Nakalagay dito, pwedeng bigla ka na lang mag-collapse pag sobra na ang naipon na toxins sa katawan mo. Kahit wala kang history ng hypertension pwede din bigla ka na lang atakihin sa puso.
Epal: Oo, natakot nga ako 'e. Kaya kung ako sayo, mag-detox ka na rin. kahit every ther month lang. One week pwede na siguro yon.
Mas Epal: Kahit daw mga bata-bata pa pwedeng ma-stroke! Iiwas na nga ako.
Epal: So hindi ka na muna iinom? Kaya mong hindi kumain ng taba?
Mas Epal: Hinde 'no!
Epal: Sabi mo iiwas ka na???
Mas Epal: Oo nga. Simula ngayon, hindi nako magbabasa.
0 comments for this post