SInabi ni Immigration Bureau chief Ronaldo Ledesma na bawal bumati ng "Merry Christmas" ang mga immigration officers sa passport counter sa mga airport.

By mgaepals on 08:01

Filed Under:

Kaya daw pinagbawal ang pagbati ng "Merry Christmas", dahil baka isipin daw ng mga tao na humihingi ng "regalo" ang mga immigration officers. Naging diskarte daw kasi ito ng ibang officials sa nakaraan. 
 
Mr. Ronaldo Ledesma, baka pwede namang turuan yang mga officers na yan na tanggihan ang mga iaabot na "regalo/aginaldo" kung meron man. Kung kaya nyong mag-utos na wag bumati ng "Merry Christmas" para hindi mapagkamalang humihingi ng "regalo/aginaldo/pampadulas" aba 'e baka kaya nyo din mag-utos na wag sila tumanggap ng "suhol/lagay/aginaldo/pampadulas/regalo". Sabihin nyo na tanggihan nila kung may mag-abot man. Mababaitan pa ang mga tao sa kanila. Pwede din namang maglagay ng sign na "Thank you for your thoughts but our officials are not allowed to accept gifts. Thank you, and Merry Christmas". Suggestion lang naman namin 'to,sana pag-sipan nyo dahil may mga tao kasi na simpleng pamaskong pagbati lang, gumagaan na ang loob nila. Nakakapag-pasaya na sakanila minsan yon. Mr. Ronaldo Ledesma, binabati namin kayo ng advance Merry Christmas. At hindi kami humihingi ng advance "suhol/lagay/aginaldo/pampadulas/regalo/bribe/pamasko/tulong/reward/bayad". 

0 comments for this post

Post a Comment