Grandmaster Arroyo
By mgaepals on 08:00
Filed Under:
Hindi na nga talaga pinayagan ng Supreme Court na magpatuloy ang Truth Commission ni Noynoy. Ang apila lang ni Noynoy, baket nga daw nung panahon ng ermat nya (Cory Aquino) pinayagan naman daw magkaron ng PCGG (Presidential Commission on Good Government), at nung panahon naman ni Erap, nagkaron ng Saguisag commission para imbistigahan ang isang kaso ni former president Fidel V. Ramos. Pero ngayon na sya ang may gustong imbistigahan, ayaw ng Supreme Court.
Madaming reklamo kay Gloria noon nung presidente sya, at kahit ngayon, tuloy ang pagkapikon ng mga tao sa kanya. Pero ang hindi maitatanggi, ay mautak ang pandak na yon. 14 sa justices ng Supreme Court ay pinusisyon don ni Arroyo nung presidente pa sya. Napaghandaan talaga nya ang future nya. Kaya kung akala ng iba noon na magiging mabilis ang pag-iimbistiga sa mga kakupalan ng nakaraang administration, well sorry na lang tayo, dahil sa ngayon, ahead parin sa "chess game" na 'to si Gloria. Ahead sya ng 14 moves.
Pag nangamoy tae sa classroom, at may gustong mang amoy ng pwet sa classroom para malaman kung sino ang tumae, sino lang ba ang aapila? Diba yung may tinatagong baho?

picture hugot dito
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post