Ang average na kanta ay tumatagal ng 3-5 minutes, pero ang pinaka mahabang kanta na narecord, tumatagal ng 78 minutes (Isang oras at 18 na minuto). Ang title ng kanta ay "Metropolis Pt. 2: Scenes From a Memory" na kinanta ng bandang Dream Theater.
Kung sa title naman ng kanta ang pinaka mahabang title ay may 52 words. Ang bandang kumanta naman nyan ay ang Rednex, at ang title ng kanta ay...
"The Sad But True Story Of Ray Mingus, The Lumberjack Of Bulk Rock City, And His Never Slacking Stribe In Exploiting The So Far Undiscovered Areas Of The Intention To Bodily Intercourse From The Opposite Species Of His Kind, During Intake Of All The Mental Condition That Could Be Derived From Fermentation".
Kung sa instrumental, hawak ng bandang Bull of Heaven ang record, dahil ang haba ng nirecord nila ay 50,000 hours. Aabot ng 6 years yon kung tuloy-tuloy mong patutugtugin. Pero kung sa pahabaan ng kung ano-ano sa larangan ng kanta, ang may hawak ng record ay ang pinaka matagal sinulat na kanta.
Ang pinaka matagal na sinulat na kanta ay ang "12 Days Of Christmas." dahil kung tutuusin meron lang namang one day of Christmas sa isang taon, kaya inabot ng 12 years bago nakapag-caroling ang sumulat ng kantang yan.
Alam mo naman siguro kung ano ang hindi mo dapat paniwalaan jan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post