Ask The Authors: "keyboard"

By mgaepals on 08:01

Filed Under:

Tanong galing kay UV:
Bakit po ba ang mga taong nag-tatype (sa keyboard) magaan sa mga characters pero pagdating sa SPACEBAR at ENTER galit na galit, yung tipong pinaririnig talaga nila.

I'm a big fan of MgaEpal.com, I could not end my day without reading your page. Natutuwa po ako kung pano ninyo nakikita ang mga bagay-bagay na hindi kayang mapansin ng iba (dahil siguro ninja kayo). Sana po magtagal pa kayo. Maraming salamat po.

MgaEpal.com Authors:
Sinasagot namin itong tanong mo habang inoobserbahan kung pano mag-type ang isa sa amin. Sa ngayon, hindi pa namin alam ang sagot kaya itutuloy lang namin ang pagta-type nito. Tatlong beses pa lang namin pinindot yung "enter" kaya hintayin mo lang. Kailangan naming pahabain 'tong tina-type namin para mas maobserbahan ang natural way of typing. Sandali na lang malapit na, nagkakaron na kami ng idea. Ops! Ok meron na.

Sa pagtatype ng nakasulat sa taas, napansin namin na hindi naman talaga mas madiin ang pindot sa mga enter at spacebar. Nagmumuka lang mas gigil ang pagpindot dahil sa tunog. Kung susubukan mong biglang pindutin yung mga characters, tapos pindutin mo din yung spacebar na may kaparehong lakas ng impact sa pagpindot mo sa characters, mapapansin mo na mas maingay talaga yung spacebar. Mas mahaba kasi sya, kaya malaki ang lose edges nito. Ganon din sa comparison ng characters at enter key. Basta pag mas mahaba ang key, mas malakas ang tunog na napo-produce. Para lalo kang malinawan, subukan mo namang pumindot ng kahit anong character key, tapos pindutini mo ng may kaparehong lakas yung F1, mapapansin mo naman na mas mahina ang tunong ng pindot mo sa F1.

Maraming salamat sa tanong mo. Mukang maraming fi-finger sa keyboard nila pagkatapos basahin 'to.

0 comments for this post

Post a Comment