"Teach me how to english, teach me teach me how to english."
By mgaepals on 04:27
Filed Under:
May nilaan daw na 179 million pesos ang Department of Budget and Management para sa National English Proficiency Program ng Department of Education. Para daw yan sa paghasa ng English speaking skills ng mga teachers sa elementary at high school... Baket??? Ano bang balak nilang gawin? Bigyan ng english tutor bawat teacher? 179 million? Ang laki non. Kung tutuusin mas matututo ka mag-english kung magbabasa ka ng libro at manonood ka ng TV show na english. At mahahasa yan kung gagamitin mo sa conversation. So magkano lang ba magpagawa ng DVD ng basic english lessons? Yung mga tipong nakikita sa knowledge channel. Tapos pabasahin sila ng Archie comics. Kahit pa corny yung Archie comics, madaming ginagamit na conversational english terms at idiomatic expressions don, kaya maganda kung gusto mong hasain yung english mo. At bigyan ng english proficiency test yung mga teachers bago sila tanggapin para magturo. Karamihan naman ng teachers sa atin marunong mag english. Nagkakatalo lang sa diction o pronunciation, kaya para mahasa din yon, gawin nilang required ang pagsasalita ng mga teachers ng english sa loob ng campus.
Pero kung kami ang tatanungin, mas mabuti pang hindi masyadong mahusay magsalita ng english ang mga teachers. Baka lalo lang komonti ang mga teachers sa Pilipinas. Maliit ang sahod ng mga guro. Pag gumaling sila mag-english, malamang mag-call center na lang yang mga yan.
Pero kung kami ang tatanungin, mas mabuti pang hindi masyadong mahusay magsalita ng english ang mga teachers. Baka lalo lang komonti ang mga teachers sa Pilipinas. Maliit ang sahod ng mga guro. Pag gumaling sila mag-english, malamang mag-call center na lang yang mga yan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post