Sandalan
By mgaepals on 08:00
Filed Under:
Lahat tayo may instant sandalan sa buhay. Yung tipong tuwing may problema, nagiging takbuhan natin para maging kalmado tayo. Pwedeng nanay mo, tatay mo, kapatid, o kabarkada. Sandalan na kahit walang solusyon na mabibigay, nandyan lang para hindi ka tuluyang tumumba. Kahit anong klaseng hasel, nababawasan yung lungkot o pag-aalala natin pag nakasama, o kahit makausap lang yung tinuturing natin na sandalan. Pero hindi maiiwasan na minsan nawawala sila. napupunta sa malayong lugar, o nakakasamaan ng loob. Pag nangyare yan, sobrang bigat sa pakiramdam. Wala yung kinasanayan nating instant sandalan. Mas malungkot ang kalungkutan, at pakiramdam natin mas naliligaw tayo sa kalituhan. Kaya alagaan at bigyan natin sila ng halaga, para hindi sila mawala. O kung mawala man sila, sapat ang saya ng ala-ala nila para masandalan pa. Sinasandalan natin sila, maging sandalan din tayo para sa kanila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post