Anti-Epal bill?
By mgaepals on 14:05
Filed Under:
Hindi kami sigurado kung si Senator Miriam Defensor-Santiago mismo ang nag-isip ng pangalan para sa bill na yan o binigyan lang ng "nickname" ng mga tao. Sa bill na yan, ipagbabawal na yung pagpapabida ng mga public officials sa mga projects na ginagawa nila. Sa madaling salita, bawal na magbalandra ng profile pic nila sa bawat pinagawa nilang kalsada, sa mga dino-donate nilang tanod-mobile, sa mga pinatayo nilang bus stops at kung ano-ano pang proyekto na ginagawa nila para maging pogi sila sa mata ng mga tao. Sabi nga ni Miriam, hindi nila dapat angkinin ang papuri sa bagay na galing naman sa tax na binayad ng mga Pilipino.
Pag naaprubahan yang "Anti-Epal bill", may positive, pero may negative din na epekto yan. Positive dahil hindi na magkakaron ng free "advance campaign sign" ang mga politiko. Yung iba kasi, ginagawa lang yang mga projects na yan para nga mapromote ang sariling pangalan nila, para pag dating ng next election familiar sa tao ang muka at pangalan nila. Sa negative side naman, kokonti ang projects na uumpisahan, itutuloy, at matatapos. Mas hindi kikilos ang ibang politiko dahil nga hindi naman sila mas sisikat o mas babango.
Para sa amin, sa opinion lang namin, mas negative ang bill na yan kesa positive. Dahil nga mas mawawalan ng gana gumawa ng projects yung mga public officials. 'E kahit naman hindi gumawa ng projects yang mga yan, mangungurakot parin yan. Mabuti nang may mapala tayo kahit papano sa tax na binabayad natin, kung ang kapalit lang naman ay mairita tayo sa pagpapabida nila.
Ganito na lang... Wag nang ipagbawal yung paglalagay nila ng pangalan at pictures nila sa mga proyekto. Basta wag ding ipagbawal sa mga tao ang pag-vandalize sa mga signs nila. Sa bawat sign board ng muka nila dapat may nakakabit na pentel pen, para anytime pwedeng lagyan yung picture nila ng mga paboritong pang-vandal ng mga Pilipino, tulad ng bigote, itim na ngipin, pimples, salamin, at syempre sungay.
mga bida hugot dito

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post