"Should she stay, or should she go?"
By mgaepals on 11:01
Filed Under:
image hugot dito
Masyadong nang nabababad sa balita ang issue tungkol sa pagbabawal ni Justice Secretary Leila de Lima na makaalis ng Pilipinas si Gloria Macapagal-Arroyo, para magpagamot sa ibang bansa. Ano pa bang dapat usisain dyan? Sobrang obvious na tama lang yung ginawa ni Leila de Lima. Ang sabi ng spokesperson ni Gloria na si Elena Bautista-Horn, nasa imagination lang daw ni de Lima ang posibilidad na tumakas si Gloria. Hindi kaya sya ang nag-i-imagine? Nag-i-imagine na mapagkakatiwalaan si Gloria.
Elena Bautista-Horn
image hugot dito
Umaapila ang team Arroyo dahil pinagkakait daw sa kanila ang right to travel. 'E ano ngayon? Baket, nung taong bayan ba ang umaapila sa mga pinag-gagagawa nila nung presidente si Gloria, nakinig ba sila? At baket nga ba umaasa 'tong mga 'to na magtitiwala ang mga tao sa sinasabi nilang hindi sila tatakas? Ilang beses na bang sumabit ang pangalan nila sa kung ano-anong kalokohan? Saan huhugot ng tiwala ang mga tao para sa kanila? Parang syota lang yan na ilang beses mo nang nahuling humahaliparot, tang*na magtitiwala ka pa ba? Kung gusto nila ganito na lang; Sige payagan sila makaalis ng Bansa, pero pag tuluyan silang tumakas, yung mga abogado, spokesperson, at lahat ng umaapila para sa kanila ng ikukulong.
Isa daw sa kaduda-duda sa planong pag-alis ng mag-asawang Arroyo ay ang dami ng bansang balak nilang puntahan. Kung magpapagamot ka lang, ba't mo nga naman kailangan magpalipat-lipat sa higit kumulang lima o anim na bansa? Pwede naman daw pumili ng doctor si Gloria at papuntahin na lang yon dito sa Pilipinas. Ang nakakaloko lang, nag-offer si Noynoy na gobyerno ang gumastos para sa pagpapagamot ni Gloria. Excuse lang mister president, pero kagaguhan yan. Galing sa buwis yan 'e. Pera namin yan. Kung gusto mo pera mo ang gamitin mo. Pwede ding pera ni Kris. Pero wag ka naman masyadong mawili sa pag-gastos sa pera ng bayan. Kung kukuha ka ng pangpagamot sa mga Arroyo galing sa binayad naming tax, kinurakot mo na rin kami. Tang*na kung kayang lumipat-lipat ng bansa nila Gloria, malamang kaya nilang gastusan ang sariling pagpapagamot (Kung totoo ngang may sakit.) Baket, tingin nyo ba walang pera ang mga Arroyo? Wag na tayong magtanga-tangahan, alam nating umaapaw ang bulsa nyang mga yan.
Naglabas ang team Arroyo ng mga pictures na nakasuot ng brace o spine support si Gloria. Patunay daw na may sakit talaga ito.
image hugot dito
Kahit pa video ang ilabas nila, hindi talaga maiwasan na magduda ang mga tao. Kahit sino naman pwedeng magsuot nyan 'e. Pag nagsuot ka ba nyan, may sakit ka na rin sa spine/buto? Halimbawa gumamit ka ng saklay, pilay ka na ba? Kung sisimentohin ang braso mo, ibig sabihin ba bali na yon? Lahat ba ng may armband basketball player na? At ang classic na pag may DSLR ka, photographer ka na ba? Kuha nyo naman yung point. Kaya nagdududa ang karamihan kahit may mga pictures si Gloria na may brace ay dahil hindi yan sapat na basehan.
Halos sampung taon nilang pina-ikot sa palad nila ang Pilipinas noon. Ang kapal ng muka nilang magpa-awa at humiram ng tiwala ngayon. Sa totoo lang, kahit dun sa brace na suot ni Gloria medyo duda kami. Hindi ba tripod lang yan at takip ng inodoro?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post